CHAPTER 12: Rings Of Dream

3.6K 88 2
                                    

Ashton Park

Nagising ako dahil sa kalabog na nangagaling dito sa kwarto. Ano bang nangyari?

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Wala naman akong napansing kakaiba. Baka imahinasyon ko lang iyon. Ang sarap-sarap nga ng tulog ng mga kasama ko---

"Gising dalian niyo!" natatarantang saad ko habang pinupuntahan at niyuyugyog sila isa-isa para magising.

"Ano naman yun Ash?" naalimpungatan na sabi ni Winter. Pati ang mga kasama ko nagtataka sa ikinikilos ko.

"Si Yanny!" agarang sabi ko na hindi parin mapakali. "Nawawala si Yanny!"

"NAWAWALA?!" gulat na sigaw nila.

Mabilis pa sa isang segundo na nag-ayos ang mga kasama ko.

"Tara na! Huwag na tayong magsayang ng oras. Hanapin na natin siya." saad ni Christalie.

Dahan-dahan kaming lumabas ng kwarto. We shouldn't let our guards down dahil hindi namin alam kung ano ang nag-aantay sa amin.

"Oh guys, saan kayo pupunta? Gigisingin ko pa lang sana kayo para kumain." natigil kami sa paglalakad dahil sa isang boses na pamilyar.

"Yanny?" agad na banggit nila at parang natulala pa.

"Oh? Ba't parang tulala kayo? Malamang ako 'to si Yanny. Para namang nakakita kayo ng multo." natatawang saad niya.

"Akala kasi namin nawawala ka." saad ni Winter na parang nabunutan ng tinik.

"Ano ba naman kayo. Tumulong lang ako magluto 'no." saad niya at ngumiti.

"Tara, punta na tayo sa dining area." yaya niya at nagsimula ng maglakad. Sinundan naman namin siya pero agad rin akong napahinto.

'Tumulong lang ako magluto 'no'

'Tumulong lang ako magluto'

'Tumulong lang ako'

'Magluto'

'Magluto'

"Magluto? Sa pagkakaalam ko hindi mahilig magluto si Yanny." nagtatakanh bulong ko.

"Buti napansin mo." bulong ni Jaye at nilagpasan ako. So all this time ay alam niya na hindi iyan si Yanny?

Iwinaksi ko muna sa isip ko ang nalaman ko. Hindu dapat ako kumilos ng basta-basta. Hindi pa namin alam ang pasikot-sikot dito kung kaya'y maaaring may madaanan kaming patibong.

"Bracelet ni Yanny ito ah." bulong ko nung nakita ko yung bagay na naapakan ko. Kinuha ko ito at inilagay sa bulsa ko bago muling sumunod sa mga kasama ko.

Hindi namin mapigilang malula sa dami ng mga pagkaing nakahain sa mesa. Paano nila naluto ang lahat ng 'to?

"Andami naman po." rinig kong sabi ni Winter.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now