CHAPTER 5: Kuya?

208 7 0
                                    

Hellooo, sorry for the typos and wrong grammars ulit. Hindi ako magsasawang magsorry HAHAHA. Also thank you sa magbabasa nito. Lovelots.

~ Jui

Christalie Zayra

Naramdaman ko naman na lumapit si Drake sa akin at umupo sa tabi ko.

"Fine, I'll teach and explain it to you. Just don't cry. Ganito lang iyan, kung tumira ang kalaban ng medium fire ball ay huwag kang tumira ng kasing laki na wind ball pwedeng wind tornado basta yung malaki sa fire na ginawa niya para sure na mapapatay ito at hindi makakapinsala." simpleng explaination niya. Tumango naman ako kahit umiiyak. Itinangala niya ako para makita ang mukha ko, she held my chin up at pinunasan ang mga luha ko patuloy na umaagos.

"Don't cry. Hindi ako sanay makapagpaiyak ng babae." malungkot na sabi ni Drake at parang may isang memorya siyang naaalala.

"S-salamat kuya." biglang sambit ko na ikinagulat niya. Maging ako ay nagulat din sa pagtawag ko sa kaniya ng kuya.

"K-kuya? Did you just called me your brother?" tanong niya na para bang hindi makapaniwala. Shiz naman, Christalie! Ano ba naman tong bibig mo? Hindi ko pa nga alam kung ako ang matanda sa kaniya o siya.

"Ah...eh...w-wala lang hehe." awkward na sabi ko kasabay ang awkward na tawa.

"It's alright. Just call me kuya as long as you want. I know that i'm older than you." sabi niya sabay ngiti, yung totoong ngiti. Marunong pala itong ngumiti? Akala ko hindi eh.

"O-okay lang ba s-sayo?" utal na tanong ko. Hala, bakit ba nag-sa-stutter ako?

"Yes, actually meron rin akong kapatid." sabi niya habang nakatingin sa empty walls ng training room. Talaga? She has a sister?

"Really? Nasaan na siya?" nakangiting tanong ko. I wanna meet her dahil baka opposite siya ni Kuya Drake.

I looked at Kuya Drake and I saw him smiled at me pero may halong pait at lungkot ang ngiti niyang iyon.

"Nawawala. She's missing 17 years ago until now." He said. Tsk, dapat hindi ko na tinanong ayan tuloy nalungkot na siya.

"Hinanap niyo naman siya?" tanong ko. Sorry naman, curious lang ulit ako. Pero bakit kaya nawala ang kapatid niya? May kumuha? Naglayas?

"Yeah pero sabi nila tadhana nalang ang maglalapit sa aming magkapatid." sabi niya at tumingin sa akin. "Hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya o hindi na."

"Parang love lang pala." sambit ko. Ganun din sa love diba? Tadhana  ang maglalapit sa isang babae at lalaki.

"How old is she?" I asked.

"Same age as yours." sabi niya. Really? She's already 18 years old? Pero ito ang mas ikina-curious ko, paano niya nalaman na 18 na ako?

"What's her name?" tanong ko. Gusto ko lang naman malaman ang pangalan ng princess dahil along with Drake ay kasama rin ang princess sa makakapagpabago ng prophecy at makakapagligtas sa buong delight world.

"Christalie Zayrie Kim." Sabi niya. Woah, Kapangalan ko pa ang first name. I feel honored.

"Kelan birthday niya?" tanong ko ulit. Ano ba yan, ang dami ko nang tinanong baka maasar na siya sa akin.

"April 12." banggit niya. Woah same birthday as mine. Coincidence, I think?

"Ka-birthday ko pala siya." sabi ko.

"Really?" gulat na tanong niya kaya tumango ako bilang sagot.

"Kaya pala parang kapatid na ang turing ko sayo. Ang gaan kasi ng loob ko sayo." He said and smiled at me. Hmp, parang kapatid daw pero kanina halos sigawan niya na ako paulit-ulit. Pero I'm relieved na may matatawag na akong kuya.

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now