CHAPTER 15: Hurt

3.3K 78 9
                                    

Andito na naman po ako para...para...para masabi sa inyo na baka may mga typos and wrong grammars po kayo na makakasalamuha. Sorry po agad hehe.

~ Jui

Christalie Zayra

"Para maranasan mo...PARA MARANASAN MO ANG GINAWA MO SA ATE KO!" sigaw niya at mabilis akong tinira ng fire ball na agad na naiwasan ko.

Pero ang hindi mawala sa isip ko ay:

Ano ang ginawa ko sa ate niya para magalit siya sa akin ng ganito?

"Ano ba ang sinasabi mo?!" pasigaw na tanong ko sa kaniya. Parang ako lang ang kalaban niya dahil sa akin lang siya laging nakatingin at ako ang palagi niyang tinitira.

Mabilis ang kilos niya at mahirap itong pantayan ng isang katulad ko.

"Ikaw lang ang nakalaban ng ate ko, hindi mo nalang siya pinalampas!" galit na saad niya at pinaulanan ako ng sunod-sunod na tira. Iilan sa mga tira niya ay naiwasan ko pero marami-rami dito ay tumama sa akin.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." mahinahong sabi ko habang iniiwasan ang mga tira niya. Ayaw ko siyang tirahin hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan ng galit niya dahil paano kung inosente pala siya? Tapos hindi niya sinasadya na ako ang naituro niya?

"Levelling, Fire, Plant, Face." word by word na saad niya at tila nag-flashback sa akin ang pangyayari.

CHRISTALIE VS. EUNJI

Pagkarating namin sa field ay agad na nagsimula na ang laban. Unang tumira si Eunji, gumawa siya ng vines patungo sa akin. Ako naman ay nagpa-panic dahil hindi pa ako ganoon ka-sanay lumaban. Parang nakaraan lang ay nagtransfer ako tas sasabak na agad sa levelling?

Gumagawa siya ng vines patungo sa akin at eto namang si ako ay walang maisip gawin kundi ang umilag. Napapagod na ko! Hanggang sa wala pa ako natitira pero puno na ng vines ang buong field kaya hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nakuha na ng mga vines ang paa at kamay ko at naramdaman ko nalang na binalibag ako ng kalaban pero ang ipinagtataka ko ay...hindi man lang ako makaramdam ng sakit.

'A-argh.' saad ko dahil may kumontrol sa katawan ko at ito na mismo ang lumalaban para sa akin at hindi na ako. The last thing that I know, parang wala ako sa sarili ko.

Paggising ko nasa clinic ako at nabalitaan ko ang nangyari kay Eunji. Nagkapeklat siya sa mukha dahil sa akin.

"H-hindi ko naman sinasadya yun." saad ko nang ma-realize ang nangyari.

"Hindi? So sino ang may kasalanan, ang ate ko? Dahil sa nangyari sa kaniya ay wala na siyang ganang pumasok! Inaasar siya't pinauulanan ng masasakit na salita, alam mo ba yun? " galit na galit na saad niya.

"S-sorry" imbes na iwasan ang mga tira niya ay hinayaan ko nalang ito na tumama sa akin.

"CHRISTALIE!"

"Lumaban ka!"

"Huwag mong sanggain ang mga tira niya!"

"Princess, please!"

Sari-saring sigawan ng mga kaibigan ko sa akin nang sanggain ko ang mga tira na dapat ay iniiwasan ko.

H-hindi ko alam pero bakit feeling ko kasalanan ko? Kasalanan ko ang nangyari sa ate niya.

'Hindi mo kasalanan Christalie'

'Kasama yun sa levelling'

'Higit sa lahat...hindi naman namatay ang ate niya'

DELIGHT FANTASYWhere stories live. Discover now