Chapter 3: First Attempt

12.5K 277 4
                                    

"F***! My mouth!" saway ko sa sariling pagmumura.


Arrgh! Nasabi ko na naman ang F-word! Baka isipin niya, nananadya ako!


"Now that's 4... But, why not?" sabi ni Lawin. Mas hinigpitan pa ng gago ang pagpulupot sa mga pulso ko.


"NO, SH*T! Kadiri!!!" I shrieked. "Kamanyakan! Ewww! GROSS!"


Marahas kong iniling-iling ang ulo ko. Di naglaon, unti-unti akong nahilo.


Nagsalubong kaagad ang kilay ni Lawin. "Kanina ka pa, ha?! Yang bunganga mo, 'patatahimikin' ko yan." aniya.


Bigla akong nanigas at nahila sa nakaraan. Mapipiga na naman ba ang bibig ko, hanggang dumugo?


"F***!"


Naalala ko si Ruther the ruthless nung marinig ang pagkakasabi ni Lawin ng 'PATATAHIMIKIN'. Lalo pang lumala ang takot ko dahil mukha rin nito ang lumikha sa eksaktong tunog.


"Can you stop?!" tunog-utos niyang hiling. "Lima na yan ha!"


"Sh*t! "T***I*A!!! STAY AWAY!" di maawat kong patuloy. Takot man ako sa pagmumukha ni Lawin, mas ayaw ko pa ring inuutusan.


"FINE! Kung ayaw mong makinig, edi wag!" pagsuko niya. Pero, hindi tumugma ang itsura ni Lawin sa kanyang binigkas.


His eyes were glimmering with malice at may pakagat-kagat pa siya ng labi! Yuck! NAKAKADUWAL! Sigurado, this jerk has something devilishly lewd in mind!


"H-hoy, may balak ka, no?" alala ko. Tiningala ko ang nakagapos kong mga kamay tsaka siya tinusok muli ng tingin. "K-kung ano man yan, wag mo nang ituloy! Binabalaan kita!"


Ngumisi si Lawin nang makahulugan. Pinaalala ng manyak niyang pagmumukha ang lahat ng pang-aabusong pinagdaanan ko sa kamay ng ama niya.


"Who cares kung may balak ako? Labas ka na dun..." deklara niya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya nung bumulong. "Since ayaw mong makinig sakin, hindi mo rin ako pwedeng utusan... I'll also do what.e.ver I want..."


"F***, DON'T!" dulas ko na naman. Halos bumaliktad ang sikmura ko sa bawat salitang binitawan niya.


Nag-vibrate ang mga braso ko nang lakbayin ni Lawin ng tingin ang katawan ko. Ngayon kasing mas tumanda na siya, higit na madaling makita sa kaniyang mukha ang DIABOLICAL niyang ama! Nakakasuka ang mga titig niyang hiniram kay Ruther-malagkit na tipong nanghuhubad.


Yes! Aaminin ko. Gaya ng ama niya, eye-candy naman talaga ang halimaw na to. He's tall, medyo moreno, matipuno at may dating ang tindig.


Individually, his facial structures are strikingly sexy. Makakapal ang kaniyang kilay, matangos ang ilong at tila inukit ng manlililok ang magkabilang panga at hulma ng mukha. Pero, kapag pinagsama mo na ang lahat ng iyon, isang demonyo ang nabubuo-ang walang-kwentang hayop na pinangalanang, Ruther.

I Won't Bear Your ChildOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz