Chapter 28: LATER...

4.6K 97 10
                                    

PAALALA: Ang kabanatang ito ay may mga eksena na hindi naaangkop sa mga bata. Paki-laktawan ang mga bahagi na hindi naaayon sa edad mo.


"I love you..." sabi ni Lawin habang ikinukulong ako sa kanyang mga bisig. Hinalikan niya ako sa sulok ng leeg ko.


"Sige na! Alis ka na! Bye!" pagtataboy ko sa aking asawa. Magkasalungat ang mga kilay ko habang itinutulak siya papalayo sa akin. "May napakarami mo pa namang IMPORTANT meetings to attend to... I wouldn't want na maging sagabal pa ako sa business mo!"


Oo, I'm PISSED off with him! It's been a week since nag-usap kami nang masinsinan-since he said na susuyuin niya ako. Pero, wala namang nangyari! I'm still just his prisoner. He leaves home very early, gaya ngayon, and comes back very early din-early the next morning! Tss!


"Love... Wag ka nang magtampo! Everything I'm doing is for your future, kayo ng mga magiging anak natin..." malambing niyang katwiran. Lumuhod siya sa tapat ng inuupuan kong kama para pantayan ako sa mata. "Hayaan mo, babawi ako sa'yo very soon... Don't be mad, love. I'm yours 100%! May inaasikaso lang ang asawa mo, okay?"


"Alam mo ba, Mr. Buenaventura? May kapangyarihan ako na clairvoyance. I can actually see your future..." sabi ko sa kanya. Siningkitan ko si Lawin ng mga mata. "Alam mo ba kung ano ang nakikita ko? Mag-isa ka lang sa future mo kung ipagpapatuloy mo 'to!"


"Love naman!" nguso niya. Pinaso ng maiinit niyang palad ang mga pisngi ko nung ipinaglapat niya ang aming mga noo. "Iiwan mo ako?"


"Why not? You're definitely NOT earning my trust right now. Quite the opposite actually!" paalala ko sa kanya. Tinusok ko si Lawin ng masamang tingin kahit halos maduling na ako sa lapit namin. "Nahiya ka pa! Di ka nalang sana umuuwi kung 4 hours at most ka lang pala maglalagi dito. Such a waste of gas!"


Lumuwag ang hawak niya sa panga ko at marahan siyang umatras para salubungin ako sa mata. "Love, you're interpreting things with a glass-half-empty mindset again... Umuuwi ako araw-araw kahit na 4 na oras lang because I want to spend time with you, as much as possible..."


"Wow, I'm impressed." sarkastiko kong saad sabay irap. "Is that why wala pa rin akong access para lumabas kahit sinabi ko na sa'yo that I'll stay for a year? To make sure andito ako whenever it's CONVENIENT for you? My! Aren't you SWEET!"


"Tsk! It's not like that..." nagbuntung-hininga siya. Tumayo si Lawin para tabihan ako sa kama. He took my hand at ipinatong yung sa kamay niyang nakalapat sa kanyang kandungan. "Fine... I'll tell you... May kalaban ako. And for your safety, you must stay indoors until it's over."


KALABAN? Like sa business?


"Pababagsakin ko lang ang hadlang sa kinabukasan natin. Unless that happens, hindi ako makakampante para sa'yo..." sabi niya sa mga kamay namin. Pinaglaruan niya sandali ang mga daliri ko, bago ako hinarap sa mata. "Matinik siya so, my plan has to be impeccable. Dapat, plantsado ang lahat bago ako kumilos... That's why, I'm working overtime."


Kinilabutan ako sa nagyeyelo niyang mga mata at umiling.


I Won't Bear Your ChildWhere stories live. Discover now