Chapter 24: MAHAL KITA

5.1K 98 8
                                    

"Ayan! You look absolutely gorgeous, anak! Lalo pang nag 'pop' ang magagandang features ng mukha mo!" pahayag ni mama Irah. Hinawakan niya ako sa magkabilang panga at ipinihit-pihit ang ulo ko. "Tingnan natin kung di ka pa rin pansinin ng anak kong nagbubulag-bulagan!"


Inikot ng biyenan ko ang swivel chair paharap sa salamin. Agad akong namangha sa repleksyon ko.


Mama Irah is indeed an artist. Hindi ko lang nasabi yun dahil dati siyang top actress sa bansa at sa labas, kundi dahil nakagawa siya ng isang milagro sa itsura ko. The expert strokes of the blended colors na iginuhit niya sa mukha ko, indeed, highlighted my facial structures at the right places. Her make-up was perfectly flattering-hindi plain at hindi rin sobra...


Dumagdag din sa transformation ko ang pinagstyle niyang french side-braid with voluminous curls sa ulo ko. Bagay na bagay ang mga ipit nito sa shell pink applique, off-shoulder, lace-sleeved gown na suut-suot ko.


"Thank you po, mama... Ang galing-galing nyo po! Feeling-diyosa tuloy ako ngayon..." nahihiya kong ngisi.


"Naku! Wala yun, anak! It's my pleasure!" balik-ngiti niya. Pinagaspas niya ulit sa mukha ko ang hawak niyang brush kaya nagsiliparan ang mala-alikabok na sobrang pulbo. "Yan! Tapos na ang finishing touches. You're good to go!"


Ngumisi ako nang napakalawak sa biyenan ko at nilabanan ang panunubig ng humahapdi kong mga mata. Ang saya-saya kasing isipin na naging ganito na kami ka-malapit ni mama Irah, for the past few months.


Noong una, buong akala ko, masungit siya kasi, halos di niya ako kinikibo. Pero, hindi naglaon, she warmed up to me. She began treating me kindly at nakikipag-girl bonding pa nga sa mga luxury retail stores at sa kung saan-saan pang lugar na maisipan niya.


I can now confidently say na isang tunay na anak na ang trato niya sa akin. Not only does she supervise my welfare, she also takes care of trivial things for me. Isang halimbawa niyan ang araw-araw niyang pagti-tiyagang ayusan ako ng buhok, gaya ngayon, bago pumasok ng school. Lalo tuloy akong nagiging attached sa kanya.


"Tumayo ka, daughter. Let me see you..." malambing niyang utos. Hinawakan ako ni mama Irah sa palad at maingat na hinila patayo. Dahan-dahan niya akong pinaikot bago ako nginitian nang makahulugan. "Perfect! Isa na lang ang kulang... Ang corsage..."


Ay! Oo nga no? Sinulyapan ko ang hubad kong pulu-pulsuhan bago nilakbay ng tingin ang mga mesa sa paligid.


"Hala! Asan na yung corsage?" pagtataka ko. "Kani-kanina lang, nasa tabi yun ng salamin..."


"It's not there because I have it with me..." biglang sabi ng tinig ni Lawin na kakapasok lang sa powder room. "Mama asked me to hold on to it, just now, para di daw mawa-la..."


-LUB DUB!


Kasabay ng pagbagal ng pagbigkas ni Lawin sa huli niyang binitawang salita, nagslow-motion ang paningin ko. Pigil-hininga akong lumingon at napakapit pa sa palda nung tumatagos sa buto ang talim ng titig niya.


My heart immediately raced when my husband caught my undivided attention. Pakiramdam ko, kami lang dalawa ang andito... My gorgeous husband's movements were breathtaking as he inched closer. Unti-unting namuo ang dalawang salita na perpektong naglalarawan sa tanawing nasisilayan ko;

I Won't Bear Your ChildWhere stories live. Discover now