Chapter 29: AGILA VS LAWIN

4.7K 108 5
                                    

"Psst!" sitsit ko kay Gil na kasalukuyang pinupukpok ang keyboard ng kanyang laptop. "Gil! Halika nga dito... Sandali lang talaga..."

Lumingon siya at sandaling sinalubong ang mga mata ko. Pero, agad rin niya itong binawi. Inirapan ako ni Gil bago umiling nang mabilis. Ibinaling niyang muli sa trabaho ang buo niyang atensyon.

Nainggit ako bahagya sa malambot na pagyugyog ng makintab niyang nakalugay na buhok. Pero, hindi yan ang problema ko ngayon kundi ang balak niyang isnabin ako!

SH*T! NOOO! I need his help!

Palinga-linga ako sa paligid to make sure walang ibang tao, bago ako nakapagdesisyon na ako na lang mismo ang lalapit sa kanya.

Buti na lang talaga at sinamahan ni kuya Josh si ate Lei na mag CR para maalalayan ang buntis. Yep! Two months pregnant si ate Lei kaya, OA maka-bantay ang pinsan ng asawa ko. The couple came here to tell the brothers na may pamangkin na naman sila at nang makapag-celebrate na rin.

Mabilis kong nilakad ang gilid ng couch na kinauupuan ni Gil and I nervously sat on my heels. Inalog-alog ko ang isang niyang braso.

"Gil naman! Please!? Sandali lang talaga to, promise!" pabulong kong pakiusap ulit. "I'll forgive you for sitting on my spot again if you do me this favor... Please?" hirit ko pa.

I immediately earned his disapproving look. Nag-aGILa mode na naman ang talas ng naniningkit niyang tingin. At, kung nakakamatay lang talaga ang tingin, siguradong chop-chop massacre case ang kinalabasan ko!

Huhuhu... Kanina pa 'tong lalaking to sa pool, ha! Parang may galit yata sa'kin sa hindi ko malamang dahilan...

"Gil, tigilan mo na nga yang kakakunot sa noo mo! Lalo kang nagmumukhang basagulero sa kanto niyan-katakot..." seryosong biro ko. "You look as gurang as your age na tuloy sa lalim ng mga wrinkles mo..! Sige ka, kung ipagpapatuloy mo yan, magiging permanente talaga ang lines jan sa balat mo!"

Marahas siyang naghilamos ng kamay bago nagbuntung-hininga. Sa sobrang lakas ng ibinuga niyang hangin, akala ko may bagyo...

"FINE! What do you want? And make it QUICK!" inip niyang tugon.

"Psh! Ang sungit-sungit..." bulong ko na alam kong dinig niya. "May ipapacheck lang sana ako..."

"Ano?!" he asked impatiently.

"Wag dito..." sabi ko. Isinara ko ang laptop niya at inilagay yun sa center table para hilain siya sa pulso, patayo.

"Where the actual F**K are you taking me?" he hissed nung kinaladkad ko siya papunta sa isang sulok. Pero, di ko siya sinagot. I just stopped when we reached a blind spot.

Tumalikod na ako sa kanya at hinawi ko ang buhok ko, to rest on one shoulder, giving him full access to my back. "Obvious ba ang tan-lines ko sa likod? Di ko kasi makita..."

"WHAT THE F-A-are you telling me to take a peek at your GODD*MN back?" di-makapaniwala niyang usal through gritted teeth. Halatang stressed ang matanda!

"Would you see the lines if you won't?" pilosopo kong balik-tanong. "Eh, ikaw lang kasi ang nakakaalam na nagpool tayo so, ikaw lang ang pwedeng tanungin ko!"

"Holy sh*t! Why are you letting me do this?! Ba't di nalang si manang Serene?!" seryoso niyang wika. "Di ka ba natatakot na baka gahasain kita ngayon?"

"No." mabilis kong sagot. "Because you are Gil and I trust you..." walang pag-aalinlangan ko pang dugtong.

"STUPID!!! Tss!" buga ng galit niyang boses sa likod ko. Puno ng gigil ang pigil-sigaw niyang puna.

"Hoy, sumusobra ka n-"

"-Just SHUT UP, IDIOT-BRAIN! Or else, aalis ako!"

"Oo nga! Tatahimik na..." I immediately surrendered bago pa magwalk-out ang mainitin-ulo kong bayaw. Ayoko kasing madamay si manang Serene o kahit sino sa kalokohan namin. Baka ma-sesante sila ni Lawin kung mabuking kami.

I Won't Bear Your ChildWhere stories live. Discover now