Chapter 11: FRIEND

7.6K 164 3
                                    

Hay! Nakakabagot naman sa bahay na to! Pang-anim na araw ko na sa kulungan, este, mansyon ng magaling kong asawa kaya, tapos ko nang suyurin ang lahat ng sulok ng mga silid na maaari kong pasukan.


Kailan kaya ako makakatiyempo na umalis? Paano kasi, may rehas lahat ng bintana. Lahat ng pinto naman, de biometrics! Kinaibigan ko na ang mga kasambahay at lahat lahat, loyal pa rin sila sa missing-in-action nilang amo! At, kahit na makalusot pa ako sa kanila, may mga gwardiya namang nagbabantay sa paligid at bakuran ng buong property.


Hmmph! Wala na ba talaga akong kawala?


-RING!


Umiiyak na naman ang annoying na landline ni Lawin doon sa master's bedroom. Nakakarindi na, ha! Lagi nalang yang nagri-ring ng ganitong oras! Tss!


Sino ba yang tawag nang tawag kay Lawin, disoras ng gabi? Alas 10 na kaya! Si HER na ba yan? Pwede bang tumawag nalang yang si HER direkta kay Lawin?! Di tuloy ako makatulog nang tahimik dito sa sofa...


Yes! You read it right! Sofa... Simula nung araw na umalis ang manyakis na lalaking yun, dito na ako natutulog. Naalala ko kasi ang kagagahan ko tuwing pumapasok ako sa lxcheng kuwarto na yan!


Nakakahiya!


Biruin mo, bumigay agad ako sa isang araw lang? Matapos kong matigas na tanggihan ang alok na kasal ni Lawin, ang dali ko lang naakit sa kama niya?! Kaunting push lang niya, tumango naman ako na parang tanga!


How exasperating! I was utterly a blood-curdling, spine-shivering, hair-raising, cringe-worthy, certified marupokpok!


Sabihin na nating I was drunk, yes! Pero, hindi yun umabot sa puntong nawala na ako sa sarili. I was actually fully aware of what I was doing and letting him do. At, ang masaklap pa, nagustuhan ko yun! All the liquor did was remove my inhibitions at, BAM! Tumiklop na ang lola niyo!


Ibig sabihin nito, delikado ako kung maglalagi pa sa tabi ni Lawin. Kaya, di ko dapat sanayin ang sarili na humiga sa kama niya. Kailangan ko nang maglayas sa lalong madaling panahon upang mapanatiling "intact" ang sarili, in all sense of the word!


Ibinalot ko ng kumot, hanggang leeg, ang katawan ko. Tumagilid ako at nag-ala-fetus sa ibabaw ng malambot na sofa. Bahagyang naibsan ang kagat ng nagyeyelong hangin ng aircon sa mga daliri ko. Ngunit, unti-unti pa ring bumabara ang ilong ko sa natipon kong sipon na nagbabadya nang gumulong.


"AAAARRGGHH!!!" inis kong sigaw! Mabilis akong tumagilid sa kabilang gawi at tuluyan nang nagtalukbong.


BWXSXT! Kasalanan ito ni Lawin kung bakit ako naghihirap matulog, ngayon! Sa dinami-dami ba namang silid-tulugan sa bahay niya, tanging sa kwarto niya lang ako binigyan ng access!


Iba pa rin kaya kung sa kama ka hihiga! Nakakaunat at gulong ka sa kama, di gaya dito-nakakastiff neck!


Kaya, lagot talaga siya sakin pag-uwi niya! Pero, iyan ay kung, andito pa ako sa mga sandaling iyon...

I Won't Bear Your ChildWhere stories live. Discover now