Chapter 4: PRESO

11.6K 265 4
                                    

So, here's the plan: Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate, paparahin ko ang pinaka-unang sasakyang mapapadaan. I don't care kung private o public, sasakay ako. It's that simple.


Pero, may isa nga lang malaking balakid sa balak ko.


Where the f*** is the gate?!


Nagpalibut-libot ako ng tingin sa buong paligid. Palipat-lipat ang mata ko sa mga paekis-ekis na driveway. Pinagigitnaan ang mga ito ng naggagandahang landscaping at malalaking puno. Obvious talagang ginastusan ng pagkalaki-laki ang maintenance ng lawn.


Ramdam ko ang sikat ng araw sa anit ko. Pero, pakiramdam ko, mas mainit parin ang batok ko. Nakaka-altapresyon kasi ang yaman ng mga Buenaventura. Di nga ako makapaniwalang sinusuway ko ang 'Master' nila.


Pero, SCREW HIM-Lawin and his bottomless pocket! Sa laki ba naman ng land area ng bahay niya, wala akong naaaninag na bakuran! Pero walang-duda, may gate sa kung saan dito. Ika nga, kung may daan papasok, may daan palabas!


Pinili ko ang daanan na may pinakamaraming mantsa sa semento. Ang main driveway kasi sigurado ang pinakamadalas daanan ng sasakyan dito.


Isa pa, kakalabas lang ng van na nagdala sa'kin kanina. Malamang, galing ang mga itim na bakas na ito sa gulong ng sasakyan.


Tahimik kong pinagmumura ang mga mandurukot ko habang tinatahak ang napiling daan. Piniringan kasi ako ng mga G*GO kaya, di ko tuloy masigurado kung sa gate ba ako dadalhin ng daan na to o sa impiyerno.


Uggghh! Bahala na nga si batman!


"WAIT! WIFEY NI COUSIN! WAG KANG LUMAYAS ULIT!" sigaw ng lalaki mula sa likod ko. "AYOKO NANG MAGING TAGAPAGLIGPIT NG KALAT NI LAW KUNG MAGDADADRAMA NA NAMAN SIYA! KAYA BUMALIK KAAAA!"


Kaagad akong lumingon at nakumpirmang siya yung Josh na nagligtas sakin sa study room, kanina. Labas ang kanyang dila habang humahabol sa akin. Ikinakaway niya ang kanang kamay sa ere at sumisenyas na balikan siya.


Oh, SH*T! Anjan pa pala ang pinsan ni Lawin! Sana pala, tinuhod ko na rin siya sa jingle bells kanina.


"LUBAYAN MO NA AKO! AYOKO SA PINSAN MO!" sagot ko sabay takbo. Tumigil ako saglit para pulutin ang tsinelas ko dahil unti-unti nang lumiliit ang aming distansya.


"IT DIDN'T LOOK THAT WAY, EARLIER!" paalala ni Josh.


Agad nagflashback ang katangahan ko, kanina, sa isip ko. Nguminig ang mga hita ko nang maalala ang hulma ng matigas na katawan ni Lawin.


"F***!" saway ko sa sarili. Bakit ba ako nakaramdam ng kaunting paghihinayang!?


Hindi ko kinibo si Josh at lalo lang binilisan ang karera. Nakakahiya man, pero, wala talaga akong maisip na rebuttal sa tumpak na sinabi niya.


Eh, sa nagustuhan ko naman talaga, magdedeny pa ba? Pitong taon din akong hindi nakatikim ng halik, no?! Kaya, masarap pa rin, kahit galing sa halimaw!

I Won't Bear Your ChildWhere stories live. Discover now