Chapter 50: MAYUMI'S SECRET

5.3K 83 17
                                    

No bird is born to live in a cage. Life in captivity is often a death sentence for the silent, agile creatures of the air. These majestic sky slicers are meant to fly and be with others of their kind in a natural environment. Free, wild, ininhibited!


Pero, ang Lawin na to, gusto kong ikulong at nang di na makawala kahit kasuhan pa ako ng PETA o lusubin ng environmental activists ng Greenpeace. Especially when he kisses me this way...


Maliban sa tunog ng nagdigmaang mga labi at pumapatak-patak na tubig sa tub, katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng banyo. Marahang inalon ng maliliit naming galaw ang mabulang tubig, kung saan pinagsasaluhan namin ni Lawin ang paghalo ng aming nasasabik na mga damdamin.


As my burning desire intertwined with his fiery passion, lahat ng tampo, pagdududa, hinanakit at inhibitions ko, melted inside my core. Kusang isiningaw ito palabas ng balat ko habang tumutulo ang pawis ng pagnanasa ko, para sa kanya.


Sa bawat kilos ng banayad niyang mga halik, unti-unting nabubura ang lahat ng mga pasan kong negativity, for the past 6 months... The feeling of rejection, ugliness, worthlessness and self-pity in my heart, slowly disintegrated and morphed into pure bliss. Self-assurance emerged beautifully from within my soul, like a butterfly leaving its cocoon, upon maturity.


"Mmmhmm..." di sinasadya kong ungol nung bigla niyang binitawan ang mga labi ko. Tumakas ang mabibigat kong hininga nung ipinaglapat niya ang mga tuktok ng aming ilong.


Mabagal na pumikit si Lawin. Sinuklian niya ng maiinit na buga ang bawat hanging pumapaypay mula sa bibig ko. Marahas na tumaas-baba ang dibdib niya nung malalim niyang hinihigop ang amoy ko. Mapanukso niyang ipinapang-abot ang mga labi namin, paminsam-minsan tanda ng pangungulila niya sa presensiya ko.


Sinalamin ko ang nakaguhit na contentment on my husband's manly profile. Pumikit akong muli at dinama ang bawat pahiwatig ng mga kilos niya.


I felt his apology, regret, longing and desire with every vibration on his body. So, I touched him, felt him, and melted in him para malaman niyang nadama ko ang malalim na mensahe ng kanyang puso. I merrily embraced the feeling of drowning in his bottomless LOVE...


"Love?" mahangin niyang bulong. Bahagyang dumiin ang panghalik niya kaya, umalon ang mga labi ko.


'Mmm?" I hummed.


Dumulas ang mga palad niya sa magkabila kong panga para mas ibaon pa ang bibig niya sa akin. Malakas niya akong sininghot sa mukha bago niya pinakawalan ang mga labi ko paraan hayaan akong makahigop ng oxygen.


"Tara, shower na tayo. Masyado na tayong matagal nakababad dito..." paos niyang imbita.


Itinulak ko ang mga palad ko sa dibdib niya para mapaupo ako nang tuwid. Panandaliang dumaan ang pagkadismaya sa kunot ng noo ko bago ko yun binawi at nagpoker-face.


"K." tipid kong sagot. Mabilis akong umurong at inabot ang tuwalyang nakasabit sa towel hanger sa may ulunan ng Jacuzzi.


Tumayo ako at agad na tinapisan ang mabula kong katawan nang hindi siya nililingon. Ayaw niya yata akong kalambingan dito, eh, EDI, WAG!

I Won't Bear Your ChildWhere stories live. Discover now