030

4.4K 124 12
                                    

i'm very nervous. umaga na kasi hindi pa umuuwi si kuya mino simula kagabi. baka dun siya tumuloy sa condo niya o sa mga kaibigan niya o baka naman tinuloy ang sinabi niya kagabi bago ako umakyat.

maybe seryoso talaga siya?

pinatay niya nga si taehyung?

is he in jail?

is taehyung already dead?

patay na ba siya???

i suddenly felt like crying. why is this happening?!

"are you okay?" napatingin ako sa nakabangga ko habang naglalakad ako sa papunta sa building ng class ko.

matangkad siya, singkit at may dimples.

"rm!" hindi ko namalayan na napasigaw na ako sa harapan niya. hindi ko siya napansin, ngayon ko lang narealize na nabunggo ko siya habang naglalakad.

"oh jennie, ikaw pala yan. bakit mukhang lutang ka diyan?" tanong niya sa akin, mukha siyang worried ngayon.

napailing naman ako. "nothing, ano...uhm, di mo ba kasama si taehyung?" tanong ko sa kaniya. ngumisi siya na parang inaasar ako pero nawala din yun nung marealize niya siguro na hindi naman ako nagbibiro.

"hindi eh. dapat nga pupuntahan ko siya sa klase niya kaso mukhang di siya pumasok." sagot niya. napakagat labi ako, lalo akong naguguilty ngayon.

wala talaga si taehyung. ano na ang gagawin ko?

"a-alam mo ba kung... s-saan siya nakatira?" tanong ko kahit na nauutal na ako at nahihiya.

nabigla pa siya sa tanong ko pero mabilis din niyang sinabi ang address ni taehyung.

"salamat ha." sabi ko sa kaniya. tipid siyang ngumiti.

"walang anuman, punta na ko sa klase ko ha? ingat ka."

tumango ako.

ako na lang mag-isa ang pupunta sa bahay ni taehyung, bahala na. pero kailangan ko talaga siyang makita. kailangan kong malaman kung buhay pa ba siya.

dahil kung hindi na, its all my fault.

foreplay.Where stories live. Discover now