064

3.9K 98 11
                                    

"are you okay?" tanong bigla ni jisoo habang nakaupo kami sa living room nila. nakaupo kami sa sofa habang si rosé naman ay nakaupo sa carpeted floor at kumakain ng popcorn.

hinatid pa kami ni kuya mino at ni hanbin dito. gusto pa sanang magstay ni kuya kaso may pupuntahan sila ni hanbin, kaya wala siyang nagawa kundi magpaalam at iwan kami kasama si jisoo.

tsk, for all i know... lalandiin niya lang si jisoo.

"oo naman. bakit mo natanong?" nag-iwas ako kaagad ng tingin at nanood na lang ng pinapanood naming movie.

"halatang hindi. now tell me, what's wrong?" sabi niya at tsaka lumapit pa lalo sa kin. hinawakan niya ang pisngi ko at pinagmasdan ang mukha ko.

napailing ako kaagad. nakakailang, but i know i can't just lie and avoid her.

"bakit ka ganyan?" tanong niya. napatingin nadin sa amin si rosé. lumapit sa amin si rosé at tumabi sa kabilang side ko.

"kanina ko pa din siyang napapansin, simula sa coffee shop. i don't know what's wrong." sabi ni rosé.

"may nasabi ba siya sayo?" tanong ni jisoo.

"wala nga eh. pero nahahalata ko talaga na may mali talaga. ano kaya yun unnie?" sagot naman ni rosé. naguusap sila na parang wala ako sa pagitan nila. tsk.

"wala nga sabi." sabi ko. ayoko nang isipin. kahit nga anong gawin ko para hindi mag-isip, hindi ko mapigilan.

i don't know! bakit ba iniisip ko siya? eh wala naman siyang kwenta?!

"hey, unnie! why are you suddenly mad? may nagawa ba kami?" tanong ni rosé nang makita niyang nakakunot ako bigla. napabuntong hininga na lang ako.

"wala nga kasi." sabi ko at tatayo na sana nang hilain lang ako ni jisoo paupo. napairap na lang ako.

"sabihin mo na! parang di mo kami kaibigan ah!" sabi ni jisoo. hindi talaga sila titigil kahit anong sabi ko na wala naman akong problema.

hay nako.

"fine! whatever. i also don't know why i'm acting like this, okay?"

simula nang makita ko sila sa coffee shop kanina, hindi na siya mawala sa isipan ko. i never expected to see them, halata namang nagdedate sila. at kahit nakita na ako ni taehyung, di man lang siya nahiya. at least wag ipakita kung gaano siya kaplayboy.

"i.... hindi ko alam. i saw taehyung in the coffee shop and-" hindi ako natapos nang magsalita si chae.

"ah oo! diba kanina? pero ano namang problema?" tanong niya.

"wala... nevermind." sabi ko at tatayo na ulit sana para makatakas nang parehas na nila akong hinila. napasigaw na lang ako.

how annoying these two. really.

"unnie! sabihin mo na kasi!"

"pag hindi mo sinabi, hindi kita papalabasin ng bahay ko, sige ka. pakagat din kita kay dalgom!"

napatawa na lang kaming tatlo sa sinabi ni jisoo. as if dalgom will! mahal ako ni dalgom.

"okay, fine! i just saw taehyung okay? nakita natin siya rosé. pero nandun din yung babae niya. yung parehas na babae na nakita ko noon sa harapan ng bahay niya. and guess what? mukhang nagdedate sila. and i don't know why it makes me feel a bit... upset." sabi ko sabay hawak sa sintido. i closed my eyes, i just don't want to think about him and that girl.

hindi ko naman talaga sila dapat isipin! why? sino ba sila? they mean nothing to me!

ugh! i hate this!

"hell no! you should have said! edi sana nahila ko yung buhok ng babae." sabi bigla ni rosé na hindi talaga namin inasahan na maririnig sa kagaya niya.

teka, si rosé ba talaga siya?

"wag ka nga, kelan ka pa naging warfreak?" tanong ko sa kaniya. she rolled her eyes.

"duh! panira siya ng ship eh. i already ship you and taehyung oppa then she's such an epal. dapat sa kaniya sinasampal. you know, epal, sampal. it sounds alike. magandang gawin." sabi niya at ngumisi. sinamaan ko naman siya ng tingin. sinapian yata siya ng masamang espirito. she's not chaeyoung, the kind hearted girl i knew.

naging maldita nadin. hays.

"that's bad." sabi ko. tumawa na lang kami parehas nang marealize ko na sa akin pa nanggaling iyon...

"do you like taehyung?"

parehas kaming nabigla ni rosé sa tinanong ni jisoo.

napatitig ako sa kaniya.

bakit, suddenly, lumakas ang tibok ng puso ko nang dahil sa tanong niya?

i can't even answer.

because i was unsure.

"i-if i like him... does that even matter? he's not even serious with me. i know he will... never be." i said and looked away.

ano naman kung gusto ko siya?

i may like him but i don't want him.

he doesn't deserve someone like me. he's not even loyal. he is just like any other guys out there.

"i can dislike him anytime." matapang na sagot ko pero hindi ko alam kung kaya ko.

bakit kasi kaagad akong nafa-fall?

ang bilis bilis kong mahulog at puro sa maling tao pa?! why?

foreplay.Where stories live. Discover now