057

4.2K 134 67
                                    

"tae! ang bait bait mo talaga! you're the coolest guy ever. salamat sa paghatid!" sabi ni rosé nang makarating kami sa harap ng bahay nila.

ngumisi naman si taehyung.

puring puri kasi siya. tsk.

"oo na! oo na. akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin, ha?" tanong ni taehyung at tinaasan ng kilay si chaeyoung.

awkward na tumawa si chaeyoung bago lumabas ng bahay. nagpaalam na kami sa kaniya. naiwan si lisa sa backseat na kanina pa akong inaasar gamit ang malalaki niyang mata.

nakatingin lang ako sa labas ng bintana nang mapansin namin ni lisa na palabas kami sa village.

"bakit? saan tayo pupunta?" tanong ni lisa. hindi naman dito ang bahay niya pero dito naman ang bahay ko no!

sana inihatid niya na ako sa bahay namin na ang lapit lapit lang.

"saan mo ba kami dadalhin?!" naloloka na ako habang nakatingin sa chill na chill parin na si taehyung.

gago talaga, ano kayang nasa isip niya?

"ihahatid si lisa." walang pakialam na sagot niya. nahampas ko naman siya sa braso.

tanga pala siya edi sana inuna niya akong ihatid eh no? ang lapit na nga lang ng bahay ko!

"malayo pa yung bahay nila lisa. sana mas inuna mo akong ihatid! gago ka ba?"

hindi nagbago ang itsura niya. poker face parin, blangko ang mukha.

pero gwapo parin. kainis.

"oo nga, yung totoo, balak mo bang magsayang ng gasolina?" tanong ni lisa sabay tawa.

hindi sumagot si taehyung, seryoso parin siya habang nagmamaneho. hindi ko na siya kinibo. nagfocus na lang ako sa labas ng sasakyan niya.

paminsan ko ding kinakausap mula sa likuran si lisa na hanggang ngayon ay panay parin ang asar sa akin.

"unnie, deretso bahay ha?" bulong ni lisa nang makarating kami sa tapat ng bahay nila. sinamaan ko siya ng tingin.

"che! ikaw talaga!" sabi ko sa kaniya at pinalo siya sa kamay.

tumawa lang siya tsaka lumapit at hinalikan ako sa pisngi.

"eewww." sabi ko at nagkunwaring nandidiri sa ginawa niya. tumawa lang siya tsaka umayos ng upo.

"hey you, take care of my girlfriend!" matapang na sabi ni lisa kay taehyung, na nagpatawa din sa akin. baliw talaga siya.

"girlfriend?" tanong ni taehyung na di pa kaagad nagets ang sinabi ni lisa.

"oo! don't you dare hurt jennie, or else." sinakal niya ang sariling leeg habang masama ang tingin kay taehyung.

gaga talaga.

nakalabas na si lisa habang kami ni taehyung, tumatawa padin.

nakarandam din ako nang awkward atmosphere nang maiwan kaming dalawa ni taehyung sa loob ng sasakyan. kaming dalawa na lang ang magkasama.

foreplay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon