062

3.9K 114 44
                                    

"huy, diba yan yung sinasabi mo?" tanong ni sejeong sakin nang makaupo ako sa harapan niya. napakunot ako. anong sinasabi niya?

"jennie diba? yung nililigawan mo?" tanong niya. nanlaki naman ang mata ko. si jennie?

"asan?"

tinuro niya ang likuran ko. naroon si jennie, hindi kalayuan, kasama niya ang isang babaeng nakatalikod na natitiyak kong si chaeyoung.

tatawagin ko sana siya nang may biglang tumawag sa kaniya mula sa likuran ko.

"jennie!" boses iyon ng lalaki.

malaki ang ngiti ni jennie tsaka sumenyas na lapitan sila.

napanganga pa ako nang tumingin din sa akin si jennie.

lumingon ako at nakita ang isang lalaki kasama si mino, ang kuya ni jennie.

masayang masaya yung isang lalaki habang si mino naman ay nakatingin lang sa paligid. halos mapamura pa ako nang muntikan niya na akong makita. mabilis akong nagtakip ng mukha.

"hala? may boyfriend siya, kuya?" tanong ni sejeong habang nakatingin kay jennie.

pasimple ko din silang tinignan. naguusap yung lalaki at si jennie, parang gusto ko tuloy manapak. masyadong touchy yung lalaki at hindi man lang umaangal si mino!

aba, hoy umangal ka! suntukin mo yang kasama mo.

so ganoon? kapag kaibigan niya kahit galawin si jennie, ok lang? pero pag ako...

hays. bakit ba hindi ko bestfriend si mino? bakit?

"hindi niya boyfriend yun, manahimik ka nga." sabi ko sa kapatid ko, sinamaan niya ako ng tingin at ininom ang iced tea niya.

"hindi kayo magkakatuluyan, sinasabi ko sayo." sabi niya.

"ano ka manghuhula? si kupido? para malaman yon? kung alam mo lang hinalikan na ako ni jennie kagabi kaya manahimik ka diyan. ikaw na nga ang nilibre nangiinis ka pa."

nanlaki ang mata niya. "naghalikan kayo kagabi?" tanong niya na halos marinig na ng lahat sa loob.

nahiya naman siya kaya nilapit niya ang mukha niya at bumulong.

"bakit kayo naghalikan?" tanong niya.

"natural masarap gawin yon. ikaw talaga! ano bang natututunan mo sa states ha? pa states states ka pa wala rin namang silbi."

"anong masarap?"

"masarap ngang maghalikan." sabi ko at inirapan siya. hay nako talaga.

hindi pa ba niya narasan yun? ilang taon na sila ng boyfriend niya pero di pa nila nagagawa yun?

"sabihin mo nga, bakla ba si daniel?" tanong ko sa kaniya. ah! baka di lang marunong humalik yung daniel na yon!

"gago ka ba kuya? gusto mo bang makarate?" masama na ang tingin sa akin ni sejeong, hindi na lang ako umimik pa. oo na, natatakot din ako no, masyado din naman kasing malakas si sejeong. ayokong mabalian ng buto.

pasimple ko na lang tinignan si jennie.

napasinghap ako nang makita kong nakatingin sa akin si mino. katabi niya si jennie na busy kausap yung lalaking kasama ng kuya niya.

habang si chaeyoung naman ay busy sa pagkain.

"tangina."

"ha? bakit?" tanong ni sejeong.

"nakatingin yung kuya niya." bulong ko.

"kuya niya yan? ay gwapo! tsaka mas gwapo sayo yung kasama ng kuya niya oh! hala ka, boyfriend niya yan, pustahan tayo." madaldal na sabi niya na tinuturo turo pa sila mino. baliw talaga. pag nahuli ako, lagot na. gagawin ko na lang siyang shield.

"manahimik ka nga, sino bang kuya mo? diba ako? sino nanlibre sayo? diba ako? sa akin ka kumampi wag dun sa sira ulong yun." nakakapikon lang talaga paminsan ang mga nakababatang kapatid.

"totoo naman kasi kuya."

lalo akong napasimangot.

"gusto mo bang sabihin ko kila mama at papa na may boyfriend ka na ha?"

nagiba ang mukha niya, parang naguilty ang hitsura.

"hindi naman kuya joke lang ano ba. di ka naman mabiro." sabi niya tsaka ngumiti ng pilit.

isang taon lang ang agwat sa akin ni sejeong. doon siya nag-aaral sa states kasama ang mga grandparents namin. at para rin kasama niya ang boyfriend niyang si daniel na masarap din tirisin para mawala sa mundo.

pero mukha namang mabait si daniel, ang ayoko lang ay masyadong madikit sa kapatid ko.

pasalamat siya wala siya sa pilipinas kundi nasapak ko na talaga siya.

"nga pala, kuya, kanina nung nasa counter ka." panimula ni sejeong. napatingin ako sa kaniya habang umiinom ako.

"ilang beses kaming nagkatinginan ni jennie. tapos sinamaan niya ako ng tingin. nakakatakot kuya! so nagiwas ako kaagad ng tingin." sabi niya.

"hindi yun gagawin ni jennie. wag mo nga siyang siraan sa akin." sabi ko sa kaniya. talagang sumusobra din siya. bakit naman siya tatarayan ni jennie eh hindi naman siya kilala?

"oo nga kuya! ang kulit mo naman eh. talagang ginawa niya yun. nakakatakot nga eh." sabi niya. kumunot ang noo ko.

"feeling ko nagseselos siya."

"ha? anong nagseselos?"

"baka akala niya girlfriend mo ako. diba ilang beses nang nangyari yon? akala ng classmates mo noon girlfriend mo ako? pati nung kapitbahay natin." sabi niya.

tinignan ko si jennie na ngayon ay kausap si mino.

tinignan ko ulit si sejeong.

oo nga ano?

baka nga?

ay tangina kinilig ako.

foreplay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon