102

2.9K 96 31
                                    

muntikan ko nang mabitawan ang phone ko. mabilis akong tumakbo sa kwarto na nakabukas ang pinto. at nang makita ko siyang nakahiga at balot na balot sa kumot, mabilis ko siyang nilapitan.

damn, bakit di niya kaagad sinabi sakin?!

binitawan ko na yung tuta. hinawakan ko ang leeg at noo ni taehyung, nailayo ko kaagad ang kamay ko dahil sobrang init niya! nakakapaso!

letse, may sakit pala ang gago hindi man lang humingi ng tulong, lalo akong naiinis. wala siyang kasama sa bahay, siya lang mag-isa tapos ganito pa kalagayan niya.

"j-jennie." maputla siya at matamlay. halos mangiyak ngiyak na ako habang tinitignan siya.

"taehyung naman eh! bakit di mo man lang sinabi? at mag-isa ka pa dito sa bahay ha. paano kung may mangyaring masama sayo? bukas pa yung pinto, paano kung may masamang taong pumasok dito? pagnakawan ka pa. o worst may masamang gawin sayo!"

ayoko namang pagtaasan siya ng boses lalo na't may sakit siya. pero nakakabwisit talaga siya! lalo niya akong pinag-aalala.

"okay lang na nakawin nila lahat ng nandito. wag lang ikaw." ngumiti at kumindat pa ang gago. tangina talaga...

"bwisit ka! ang landi mo padin kahit may sakit ka." aalis na sana ako nang hilain niya ang kamay ko.

"taehyung, bitawan mo nga ako, hahanap ako ng gamot mo. tsaka ang init ng palad mo, dapat icheck ko din temperature mo."

"dito ka lang, magiging okay din ako babe. basta andito ka lang." malambing na pagkakasabi niya. kaagad akong umiling, hindi niya ako madadaan sa mga kalokohan niya.

"saan nakalagay ang mga gamot niyo?" napabuntong hininga naman siya.

"sa kitchen. 2nd drawer. meron din sa may banyo."

tumango tango naman ako tsaka iniwan yung phone at bag ko sa nightstand na katabi lang niya.

"kumain ka na ba?" tanong ko pa. lumunok naman siya tsaka umiling.

hay nako, masasapok ko na talaga siya!

"tanghali na! oh my gosh, taehyung lalo akong nangigigil sayo." but I know I can't blame him too, may sakit siya eh. pero sana man lang nagawa niya akong tawagan kaagad o kahit sino sa mga kaibigan niya.

mabilis akong kumuha ng warm water at towel para mapunasan siya.

"taas." sabi ko.

"huh?" nakaupo na siya sa kama niya at nakasuot pa ng grey shirt na mukhang suot niya kagabi.

"taas mo kamay mo. huhubadin ko tshirt mo." sabi ko. napangisi naman siya tsaka itinaas ang dalawang kamay niya. mabilis ko namang hinubad ang damit niya tsaka siya pinunasan gamit ang towel na basa.

pumunta ako sa cabinet niya para maghanap ng tshirt na susuotin niya.

"wag diyan!" sigaw niya. huli na ang lahat. namula na ang mukha ko nang maling drawer ang buksan ko. puro branded na briefs ang tumambad sa akin.

kumuha lang ako nang shirt na mukhang comfortable sa kaniya. sinuot ko na yon sa kaniya tsaka siya pinahiga at inilagay ang towel sa noo niya.

"don't ever do it again." sabi ko habang nakahawak siya sa kamay ko.

"ha? alin?"

"ang pag-alalahin ako."

"bakit? hindi ko na nga sinabi sayo kasi ayokong mag-alala ka pa. kaya ko naman ang sarili ko.."

i rolled my eyes at him. bullshit.

"mas pinag-alala mo ako nang hindi ka nagpaparandam sa akin. don't you know how mad i am nung hindi ka man lang nagpaalam na aalis ka kasama si kuya? of course alam ko na na magkasama kayo kasi sinabi na niya sa akin. pero ichat mo man lang sana ako." napaiwas naman siya ng tingin. i sighed.

i think hindi naman niya intensyon na hindi sabihin sa akin. but still...

hinawakan ko ang pisngi niya.

"girlfriend mo ako taehyung, you're my responsibility. and you're such a bad boyfriend for not telling me you're sick. mas lalo mo akong pinag-aalala kapag wala kang sinasabi sakin."  

____

taedeuk: I still don't want to end this story. But I have to. :(

foreplay.Where stories live. Discover now