Hope

9 0 0
                                    

Maingay nanaman ang lahat habang ang aming presidente sa klase ay patuloy na sinisita ang mga maiingay. Napatawa lamang ako sa ginawang akto nang aming pinuno sa klase, nangsisita siya nang mga maiingay samantalang siya naman itong dahilan kung bakit maingay sa loob ng aming silid-aralan. Nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng aming silid-aralan at tahimik na nagmamasid sa magulong paligid.

"Tumahimik nga kayo!" Rinig kong sigaw ng kaklase namin. Dahil sa inis ko, kinuha ko ang aking headset para kahit papaano ay mapalitan ang ingay na hatid ng aking mga kaklase. Pinatugtog ko ang aking paboritong kanta. Nakakagaan ng loob tila ba saglit kong nakalimutan ang kaninang maingay na mga salita nila at bahagya kong ipinikit ang aking mga mata upang mas lalo kong maramdaman ang musika.

Lumipas ang ilang minuto, naramdaman kong may tumabi sa akin. Binaba ko ang aking headset at tiningnan ang taong tumabi.

"Nag-iisa ka naman." Simula niya. Hindi agad ako nagsalita dahil sa ngayon nangunguna ang kaba at kilig na nararamdaman ko. Imbis na magsalita ay tiningnan ko lamang siya at nginitian.

"Ano ba pinapakinggan mo?" Tanong niya. Inurong niya ang kaniyang upuan palapit saakin dahilan upang mas lalo kaming magkadikit. Kailangan kong umakto nang walang pakialam.

Hindi maaring hindi ko sasagutin ang kaniyang katanungan dahil ang paraang iyon ay pangbabastos. Nilunok ko ang lahat ng kaba. "Ang paborito ko." Sagot ko sa kaniya.

Hindi pa rin siya nagbabago, sumisilay pa rin ang mga ngiti niya habang kausap ako. "Mabuti naman. Maaari ko rin ba iyang pakinggan?" Tumango ako saka isinabit ang dulo ng headset sa kaniyang tenga.

Napapansin kong tumahimik na ang lahat. Nadadala na rin siya sa himig ng kanta.

"Ang ganda." Saad niya. Napatango ako bilang pagtugon dahil iyon ay totoo. Hindi ko matiis ang pagtitinginan namin. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa harap. "Ang ganda mo kapag ika'y ngumingiti." Hindi ko siya nilingon dahil sa kaniyang mga sinabi. Nanatili akong nakatulala sa harap.

Sa lahat ng kaniyang sinabi iyong lamang ang tanging nagbibigay ng pag-asa saakin na umasa pa sa kaniya.

"Mahal." May isang tinig ng babae ang dahilan ng pagkadurog ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko subalit ayokong umakto at mahalata pa nila na nasasaktan ako. Nanatili akong tahimik at hindi nilingon ang nagsalita.

"Arianna, babalik na ako sa upuan ko." Saad niya. Tumango ako saka ngumiti. Nang tumalikod na sila ay yumuko ako at sa pagkakataong iyon tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit.

Short StoryWhere stories live. Discover now