Help

5 0 0
                                    

Papalabas na sana ako galing sa eskwelahan ng may biglang pumigil saakin. Tiningnan ko siya, tila ba nakikiusap ang kaniyang mga mata na huwag kong gagawin ang mga bagay na hindi nararapat gawin.

"Please. Huwag mong gawin ang binabalak mo." Simula niya. I sarcasticaly laughed. Para saan pa?

"May marami pang paraan upang mapagtagumpayan mo ang problema mo." Dagdag niya. Napailing-iling na lamang ako saka tinalikuran na siya, hinding hindi na niya mababago pa ang desisyon ko.

Hinabol niya ako at hinawakan ang aking braso. Napatigil ulit ako. Hinintay ko siyang magsalita pero bago iyon pinwersa niya ang aking katawan para mapaharap ako sa kaniya.

"Nagmamakaawa ako. Kung ano man iyang binabalak mo, huwag mong gagawin. May mas masaya pang mangyayari sayo." Payo niya saakin. Ano ba sa tingin nila itong nais kong gawin? Akala kasi nila ako iyong taong madaling mabago ang desisyon subalit hindi! Hindi ako ganoon!

"Huwag mo akong pigilan." Mahina kong saad.

Wala na siyang nagawa pa nang muli ko na siyang talikuran at tumakbo sa tulay upang doon ko na ilalabas ang lahat lahat at tapusin na.

Story Message: Huwag mong sabihin ang mga katagang "malalampasan mo iyan". Imbis na payuhan mo sila, gabayan mo. May mabuti pang mangyayari kung iyon ang gagawin mo. Hindi sa lahat ng oras alam natin kung ano ang kayang nilang gawin. Don't act as if you're in the shoes of them.

Short StoryWhere stories live. Discover now