Hear me!

11 0 0
                                    

Mula alas-syete ng gabi hanggang sa magmadaling araw na ay dilat na dilat pa rin itong aking mumunting mga mata. Tatlong barakong kape na ang naubos ko huwag lamang ako dalawin ng antok. Tatlong takdang-aralin kasi ang kailangan kong matapos upang may maipresenta lamang kami ng aking mga kagrupo, halos lahat ng aming subject groupings ay ako na ang gumagawa ng mga iyon. Mahirap kasi para sa akin ang humindi sa kanila, natatakot akong masabihan ng wala akong kwenta. Napapaisip na nga rin ako minsan kung bakit ako na lang lagi? Bakit hindi naman na sila? Nais ko mang itanong ang mga iyon sa kanila ay tila para bang hinihila ang aking mga dila pabalik at parang sinasabi sa akin ng kaloob-looban ko na manahimik na lamang. Pumasok akong mugto ang mga mata kinabukasan, magulong buhok at napakaraming manila paper na dala. Alas-syete e medya na ng ako'y makarating sa paaralan. Kinabahan ako ng sobra sapagkat napakahigpit ng aming unang guro sa umaga.

Pagtigil ng motor na aking sinasakyan ay agad kong ibinigay ang aking pamasahe at kaagad na nagpasalamat. Mula sa gate ng aming paaralan ay tinakbo ko ito ng kay bilis upang hindi na masayang ang naiiwang mga minuto.

Nang mapansin kong malapit na ako sa aming silid-aralan ay naglakad na lamang ako. Hingal na hingal ako kaya't pinili kong kumalma muna bago pumasok. Isang kaklase ko ang sumalubong sa akin ng isang napakasamang balita.

"Vi, ikaw daw leader sa math presentation natin bukas. At saka galit si Ma'am Gregorio sa'yo kanina." Tugon ng aking katabi na si Mia. Nagtataka ako kung bakit iyon kaagad ang bungad niya sa akin sapagkat wala naman akong matandaang may sinabing gano'n si Ma'am Beverly, ang aming guro sa matematika.

"O sige. Ano raw ba gagawin?" Pabulong kong tanong. Wala namang guro sa harap pero ayoko lang gumawa ng malakas na ingay.

"Role Playing daw. At kung hindi ako nagkakamali, kailangan daw nating magpasa ng script natin mamayang lunch break." Saad niya. Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon at agad na nag-ayos para sa pag-uulat ko sa naka-assign na topic sa amin.

Kinuha ko ang aking suklay sa bag at akmang susuklayan ko na ang aking buhok nang may pumigil dito. Tiningnan ko kung sino iyon. Si Alexandra, isa sa kagrupo ko sa aming English Activity. Siya rin ang top one last first grading.

"Nasaan na iyong pinagawa namin sa iyo, vi?" Pagalit na sabi nito sa akin. Ang akala siguro nila'y hindi ko nagawa ang lahat ng iyon dahil marami pa ang inutos sa akin.

"Oo, lex. Nagawa ko." Sagot ko sa kaniya gamit ang pinaka-kalmadong boses kahit na sa loob-loob ay nanggigil na talaga ako.


"Mabuti naman. Feeling ka kasi minsan." Rinig kong sabi niya bago umalis.

Nawala ako sa mood ng marinig ko iyon. Feeling na ba talaga ako? Marami na kasing nagsasabi na ang lakas kong magmagaling hindi naman nasasali sa Top, marami ring nagsasabi na akala raw nila matalino ako pero iyon naman pala hindi. Sa tuwing may recitation, lagi kong naririnig ang mga komento ng iba, 'Ayan nanaman ang pabibong kaklase natin'. Ngumingiti lamang ako at taas-noo pa rin kahit gusto ko ng patuluin ang nanginginit na langis mula sa aking mga mata. Nais kong magbahagi ng kwento ko pero natatakot ako. Natatakot akong magkwento. Kaya sa tuwing nakakarinig ako ng mga ganoon ay ikinikibit-balikat ko na lamang ito na tila ba wala akong naririnig.

Nagreport ako sa tatlong subjects at may scorings iyon. Sa dalawang subject ay nakakuha kami ng mataas na puntos pero sa aming araling panlipunan subject ay pangalawa lamang kami kaya't nagmamataktol ang mga kasama ko. Hanggang sa dumating ang hapon, iyon lamang ang naririnig kong sinasabi nila.

Sa kaloob-looban ko ay nais kong sabihin sa kanilang hindi ko kasalanan kung bakit ganoong puntos lamang ang ibinigay sa amin. Alam naman ng lahat na ginawa ko na ang parte ko. Dito sa mundo, ang hirap kasi kapag nagkamali ka lang isang beses, lahat huhusga, lahat may masasabi.

Mga alas-tres, kinausap ko si Paulene, top 2 sa klase namin na kasama ko sa Araling Panlipunan subject.

"Lene? Bakit ganiyan kayo? Bakit ayaw niyong tanggapin yung natanggap nating puntos? Bakit ako iyong itinutulak ninyong lahat? Bakit kasalanan ko na naman?" Mahina kong tanong dahil ayokong gumawa na naman ng panibagong isyu.

"Hindi naman sa ganoon iyon vi. Nadissapoint lang kami kasi nag expect kami na tayo yung makakakuha ng puntos na iyon e. Alam mo namang nakasalalay yung grades namin doon." Sagot niya. Tumango ako saka binigyan siya ng isang ngiti. Nasasaktan subalit mas ipinapaibabaw ko pa rin ang pagmamahal ko para sa kanila.

Nang makabalik na ako sa aking upuan, napaisip ako, ako pa pala ang may kasalan. Ang unfair lang, kasi never akong nagreklamo kung bakit ang liit ng mga grades ko at hindi ako nasasali miski top 10 man lang at hindi nila ako tinutulungang makapasok. Laging puyat ang inaabot ko sa tuwing may groupings kami. Ginagawa ko ang lahat ng paraan upang maramdaman ko naman yung feeling na tinatawag sa stage yung pangalan mo sabay sabing pang ilan ka. Naiinggit ako sa tuwing naririnig ko ang pangalan ng mga kaklase kong kumukuha lang ng mga sagot sa akin sa tuwing may quiz, naiinggit ako sa tuwing nakikita ng mga guro ko ang mga effort ng kaklase ko pero kunwari lang naman iyon. Naiinggit ako sa tuwing nakikita ko ang iba na masayang nakikipagkwentuhan lang habang ako'y abalang-abala sa paggawa ng mga group activities. Napapagod ako, napapagod ako sa tuwing walang nagcocomfort sa akin sa tuwing umiiyak ako, ang hirap mabuhay sa mundong ito. Ang hirap maging sunod-sunoran. Gusto kong marinig nila ako. Gusto kong ako naman, gusto kong makita rin nila ang halaga ng isang ako. Ayoko ng maraming atensyon, ang nais ko lang ay ang magkaroon ng taong masasandalan ko sa tuwing napapagod ako, nais kong magkaroon ng mga taong tatanungin ako sa kung kumusta ang takbo ng araw ko. Gusto ko ring maging maligaya, gusto kong kumawala sa rehas ng kahirapan pero tila walang nakakarinig sa bawat sigaw ko. Lahat bingi, lahat bulag, lahat umiiwas. Ayaw nilang makinig. Kailangan ko bang maranasan lahat ng ito? Nararamdaman ko ng walang tumatanggap sa akin. Pilit sinisigaw sa akin ng mundo na wala akong halaga, isang hamak lamang ako na wala namang mapapala kung magsikap at magsisikap man.

Umuwi ako sa aming bahay ng may pilit na ngiti upang hindi mahalata ni Papa na napapagod ako. Ayokong madagdagan pa ang problema ni Papa kaya umakyat agad ako sa taas, ginawa ang lahat ng mga kailangan kong trabahuin. Nang matapos ko na ang aking routine ay umakyat na ako sa aking silid. Nagsulat sa aking talasulatan sa nangyari sa araw ko. Isang walang kwenta man ako sa iba, pero hindi ako susuko, lalaban ako hangga't kaya ko pero sana... maabot ko ring ang breakthrough ko.

Short StoryWhere stories live. Discover now