Unexpected

3 0 0
                                    

I suddenly stand when I heard my mom and dad had their fight, again. Nababaliw na naman sila. Every single day, they argue. We're not financially stable, and maybe, nangbabae na naman ang magaling kong tatay.

"Bakit pa kasi umabot na naman tayo sa ganito, Stella?" Sigaw muli ng tatay ko nang makarating ako sa kanilang silid.

"Jake! Palagi nalang! Hindi pa ba ako sapat? Hindi pa ba kami sapat ni Cheska? Bakit kailangan mo pang mangaliwa?" Sagot ng nanay ko. I don't know what's the right thing to do right now pero isa lang ang alam ko, ang manahimik.

Naisipan kong bumalik na lamang sana sa aking silid pero napatigil ako dahil sa mga salitang binitawan ni papa.

"Buntis si Dianne! Kailangan ko siyang bantayan hanggang sa manganak siya. Tutal, wala naman na akong rason pa kung mananatili pa 'ko sa puder mo." Malakas na tugon ni Papa.

Dagli-dagli kong binuksan ang pintuan ng kanilang silid at gulat na napalingon ang dalawa.

"Tama ho ba iyong narinig ko?" Panimula ko.

"C-cheska." Putol-putol na bigkas ni Papa sa pangalan ko. Hindi ko mawari ang kalagayan ni Mama ngayon.

Nakita ko ang mga gamit ni Papa na nakalagay na sa loob ng Maleta. Nilapitan ko si Mama at agad binalot ng yakap.

"Cheska. Labas ka dito, hindi mo dapat marinig ang mga pinag-uusapan namin." Ma-otoridad na sabi ni Papa.

Napailing ako. "Para bakit ho? Para baliktarin niyo na naman ulit si Mama sa harapan ko? Para mapahiya na naman siya sa mga kapatid niya?"

"Cheska. Huwag mong sagutin si Papa mo. Sige na, kaya ko na ito." Hinaplos ni Mama ang aking pisngi at batid kong pinipigilan lamang niya ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata.

"N-no ma. Anak niyo naman ako, e. Malaki na ho ako, maiintindihan ko na po ang lahat." Sagot ko kay Mama. "Bakit kailangan pang paalisin ninyo ako sa tuwing may away kayo? Kahit naman po wala ako dito sa loob ng silid ninyo naririnig ko pa rin naman po ang mga pinag-aawayan ninyo."

Nilipat ko ang aking tingin kay Papa at batid kong nagagalit na siya.

"Tangina Cheska! Just. Leave. The. Room. Right. Now!" Malutong at madiin na salita't mura ang narinig ko sa aking ama.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa kaliwa kong mata bago nagsalita. "Ang galing niyo po papa." Napailing-iling ako sa dismaya. "Akala ko po ba mabait kayo. Ang sabi niyo pa nga po si mama yung taong hindi marunong rumespeto pero napatunayan ko na po ngayon ang lahat."

"I didn't mean it." Sagot niya.

Napatawa ako sa galit. "Talaga po?Saka ano po? Nabuntis niyo si Dianne?"

Ilang minuto siyang hindi nakaimik. Nanginginig siya at dahan-dahang napatango. Napasinghap ako nang masigurado ko na nagsasabi nga siya ng totoo. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't umalis ako sa silid nila Papa at pumasok sa kwarto ko. Doon ko ibinuhos ang lahat. Bakit pa kasi sa dinami-daming babae dito sa mundo bakit ang kakilala ko pa? Bakit ang matalik kong kaibigan pa?

Short StoryWhere stories live. Discover now