CHAPTER ONE

17.3K 249 12
                                    


"I THOUGHT you're coming back as soon as possible." May himig nang galit na wika ni Dingdong sa kanya.


"Akala ko rin ay makakabalik ako agad. Pero ayaw akong payagang umuwi nila Mommy. Kailangan daw nila ako dito."


"I also need you, Charease." Ani Dingdong na hindi maitago sa boses ang pagkadismaya.


"I know. But I don't have a choice." Sabi naman niya.


"Chacha! Sino ba 'yang kausap mo diyan? Kanina ka pa diyan. Long Distance na naman ba 'yan?" narinig niyang wika ng Mommy niya sa malakas na boses. Tinakpan niya ang mouthpiece ng landline na hawak niya para marinig ni Dingdong ang sinasabi ng Ina.


"Hindi po. Sige po, tatapusin ko na lang 'to, Mommy." Sagot niya. Pagkatapos ay binalingan ang kausap sa telepono. "Hello, Archie."


"Is it your Mom?" tanong nito.


"Yes. I have to go." Aniya.


"Kelan ka tatawag ka ulit?"


"I don't know."


"I mi—"


Hindi pa tapos magsalita si Dingdong ay naputol na ang linya. "Hello."


"Ilang beses na ba namin sinabi sa'yo na hindi namin gusto ang Dingdong na 'yan para sa'yo." Mariing wika ng Mommy niya.


Nagulat pa siya nang hindi niya namalayan na nakalapit na ang Mommy niya sa telepono. Hinugot nito ang cord ng telepono kaya naputol ang linya.


"Mommy..."


"Naging matigas na ang ulo mo simula nang magkakilala kayo ng lalaking 'yan. Lolokohin ka lang n'yan." Dagdag pa nito.


"Mahal niya ako, Mom. Hindi niya ako magagawang saktan." Depensa niya sa nobyo.


"How can you be so sure?"


Hindi siya nakakibo. Bago niya sinagot si Dingdong ay siya mismo ang naging saksi sa pagiging babaero nito. Matalik na kaibigan niya ang pinsan nito. At sa Tanangco Street sila pareho nakatira. Pero napatunayan niya na nagbago na ito ng tuluyan ng sagutin niya ito. He proved his love and faithfulness to her. Ngunit hindi naging dahilan iyon para magustuhan ito ng mga magulang niya, particular na ang kanyang Ina.


"Let's stop this, Mom. Kahit na ano pa ang sabihin n'yo. Hindi magbabago ang isip ko. Mahal ko si Dingdong at wala na kayong magagawa pa roon."

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosWhere stories live. Discover now