CHAPTER SIX

7K 174 6
                                    

ARAW NG KAPISTAHAN sa Barangay Buting. Abalang-abala ang mga tao sa masayang araw na iyon. Siya at si Panyang ay hindi na muna nagbukas ng Shop nila.

Naroon sila sa bubungan ng tindahan ni Olay at nag-aabangan sa isang malaking prusisiyon ulit. Pero sa pagkakataong ito, ang Patron ni San Guillermo ang ipu-prusisyon nila at isasayaw habang naglalakad. At bilang pakikiisa sa tradisyon. Maghahagis sila ng mga tsitsirya sa mga sumama sa prusisyon. Kasama ni Chacha sina Olay, Panyang at Madi.

Mayamaya ay natanaw na nila ang hinihintay. Nangunguna dito ang drum and lyre at ang majorettes.

Saglit ay nakalimutan ni Chacha ang lahat ng alalahanin habang pinapanood ang mga tao na buhat ang santo at sumasayaw sa tugtog ng drum and lyre. Sumisigaw pa ang mga ito. Nang tumapat sa kanila ang prusisyon ay naghagis na sila ng mga pagkain. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsalo ng mga hinahagis nila.

"Ang saya, no?" ani Panyang.

"Oo nga, hinding hindi ko ipagpapalit ang masayang fiesta dito sa atin." Sagot niya nang may ngiti sa labi.

"Eh ang puso mo? Masaya na rin ba?"

Napalis ang mga ngiti niya sa labi. Dahil sa totoo lang, hindi pa rin masaya ang puso niya. Tatlong araw na yatang hindi sila nag-uusap ni

Dingdong. Matapos ang komprontasyon nila noong isang araw. Sinubukan niyang kalimutan ang binata. Ayaw na niyang muli pang umasa na maibabalik pa nila ang mga panahon na nawala sa kanila. Nakalimutan niya. Marami nga pala ang maaaring mangyari sa loob lang ng isang segundo. Ang isang taon pa kaya.

"Magiging masaya din ako, Best." Sagot niya.

Ngumiti ito. "You can do it. Kilala kita, you're a tough girl."

"Hoy mga bakla! Mamaya na ang emote-emotan n'yo. Bumaba na muna tayo." Singit ni Olay.

"Oo na nga bakla!" biro ni Panyang dito.

Naunang bumaba si Olay gamit nila ang wooden ladder na nakapuwesto sa may gilid ng tindahan nito. Sumunod naman si Panyang. Si Madi at siya ang pinakahuli.

Habang nasa kalagitnaan siya ng pagbaba niya ng hagdan. Dumating ang lalaking pilit niyang iniwasan at kinakalimutan. At dahil natulala siya at nanatiling nakatingin sa bagong dating. Nadulas siya nang akma siyang tatapak sa susunod na baitang.

Napahiyaw siya ng wala sa oras. Hanggang sa namalayan na lang niya na nasa tabi na niya agad si Dingdong at hawak siya nito sa beywang. Napatitig siya sa mga mata nito. Parang may mga anghel siyang narinig na nagkantahan.

"Are you okay?" halos pabulong na tanong nito.

Bigla ay natauhan siya. Tumango lang siya. "Salamat," usal niya.

Pagkatapos ay mabilis na tumalikod at naglakad papasok ng bahay ni Olay.

"Charease, wait. Let's talk." Habol nito sa kanya.

Hindi niya inintindi ito. Nagkunwari siyang walang narinig. Malapit na siya sa pintuan ng bahay ni Olay nang maabutan siya nito at hablutin sa braso.

"Will you please stop?"

"Ano pa bang gusto mo?" asik niya dito.

"Let's talk," sabi nito.

"Archie, you already have that girl. What else do you want from me? Hindi naman ako manggugulo sa inyo." Aniya.

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosWhere stories live. Discover now