CHAPTER TEN

10.1K 282 19
                                    


"GIRL, HINDI mo pa ba kakausapin ang asawa mo? Ilang araw na kayong ganyan?" tanong sa kanya ni Madi.

Hindi siya kumibo. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos sa mga bagong dating na items sa kanyang boutique. Simula nang manggulo si Laurie at natuklasan niya ang pagsisinungaling ng asawa ay hindi na niya kinausap ito. Sa katunayan, ito na ang ikaapat na araw na hindi niya kinakausap ito. Hindi rin siya sa mansiyon umuuwi. Doon muna siya sa bahay niya kasama ang kapatid at si Myca na doon din tumuloy matapos niyang tanggapin bilang taga-bantay sa boutique niya.

"Parang ayoko nang marinig pa ang kahit na ano. Mads. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko. Naguguluhan ako." Aniya sa nahihirapang tinig.

Hindi niya maiwasan maiyak at makaramdam na parang may humihiwa sa puso niya. Kapag naiisip niya na posibleng may nangyari nga sa asawa niya at kay Laurie.

Umakbay sa kanya ang kaibigan. "Chacha, mag-asawa na kayo. Hindi puwedeng hindi kayo mag-uusap. Paano n'yo mase-settle ang lahat kung ganyan ayaw mo siyang makausap?" anito.

"Alam ko naman 'yon. It's just that. I'm scared. Natatakot akong malaman na baka totoo nga na may nangyari sa kanila. Hindi ko kakayanin 'yon." Aniya habang namumuong muli ang mga luha sa mata niya.

Bumuntong-hininga si Madi. "Ikaw ang bahala. Pero kung talagang mas matimbang ang pagmamahal mo sa kanya. Makikinig ka sa kanya." payo nito.

Napaisip siya sa sinabi nito.

"Miss Chacha, alas-otso na po. Magsasara na ba tayo?" tanong ni Myca.

"Ha? Ah... oo, sige. Napapagod na rin ako. At nang makauwi tayo." Sagot niya. Hindi niya namalayan ang oras, gabi na pala.

Inayos nito ang kaha at inabot sa kanya ang kinita nila sa maghapon na iyon. Pagkasilid niya ng pera sa bag ay iniwan na niya kay Myca ang pagsasara ng boutique. Paglabas niya ay nakasabay niya si Panyang.

"Best, sad ka pa rin?" tanong nito.

Tumango siya bilang sagot.

"Pareho kayo ni Dingdong, usap na kasi kayo."

Hindi siya kumibo. Bigla ay iniba niya ang usapan. "Una na ako, best. Magpapahinga na ako." Aniya.

"Doon ka na sa bahay umuwi. Miss ka na namin doon."

Isang malungkot na ngiti ang tinugon niya dito. Pagkatapos ay naglakad siya palayo. Malayo pa lang ay natatanaw na niya na nakatambay sa tapat ng tindahan ni Olay ang Tanangco Boys. Kumpleto ang mga ito. Ibig sabihin noon ay naroon din ang asawa niya. Kasama ng mga ito sina Allie at Olay. Naroon din si Abby.

Nang tumapat siya sa mga ito ay nginitian lang niya ang mga ito at hindi nag-abala pang tumigil.

"Miss Chacha, saglit lang." tawag sa kanya ni Abby.

Napapikit siya. Kung puwede lang niyang hindi pansinin ito. Kaso ay kabastusan naman iyon.

"Yes?" aniya sa mahinhin na tinig.

"Dito ka muna. Hindi ka na namin nakakasama eh. Nami-miss ka na namin." Anito.

"Abby, hindi puwede—"

"Please..."

"Kausapin mo naman ako." Bigla ay singit ng isang pamilyar na tinig. Siya namang alis ni Abby.

Bigla ay kumabog ang dibdib niya.

"Para ano pa?" mahinang usal niya. Naramdaman niya nang humakbang ito palapit sa kanya.

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosOnde histórias criam vida. Descubra agora