CHAPTER FOUR

6.9K 177 4
                                    

HINDI mawala ang mga ngiti niya sa labi simula pa kaninang hapon. Paano nga ba siyang hindi sasaya? Kanina nang nasa mall siya ay narinig niya ang pamilyar na kanta. At ang mas nakakagulat, ang mismong babaeng laman ng isip niya ang nakita niyang tumutugtog.

At aaminin niya sa kanyang sarili na kakaibang saya ang naramdaman niya. Tama ang komento ng isang nakapanood kay Chacha. Animo ito isang anghel habang nasa harap ng piano. Kaya't hindi niya napigilan ang sarili na lumapit dito at umupo sa tabi nito. At tila nagbukas ang pinto ng langit nang idilat nito ang mga mata at salubungin ang mga tingin niya. Nakita niya ang saya dito. Kung puwede lang na yakapin niya ito sa mga oras na iyon. Pero hindi na maaari. Hindi na sa kanya si Charease.

"Naks!"

Napapitlag pa siya nang bigla siyang tinapik ni Justin sa balikat ng malakas.

"Pangiti-ngiti ka pa ngayon ha? Ano bang nangyari sa'yo at mukhang ang saya-saya mo?" tanong ni Ken.

Umiling siya tapos ay ngumiti ulit.

"Ano nga?" pangungulit pa ni Humphrey.

"Have you seen an angel?" tila hibang niyang tanong.

"Ano?" naguguluhang tanong ng mga ito ng sabay-sabay.

"Ah... alam ko na ang sinasabi mo." Natatawang sabi ni Darrel. "Allie told me."

"Yeah, I remember. Pamela told me as well. She also told me both of you still looked so in love." Sagot naman ni Roy.

Napailing si Vanni. "Kung bakit ba naman kasi hindi mo na lang siya ligawan ulit."

"Oo nga. Pinapahirapan n'yo lang ang mga sarili n'yo." Dagdag ni Jared.

"Charease is a very beautiful woman, Pare. Kung talagang may nararamdaman ka pa sa kanya. Huwag ka nang mag-inarte diyan. Maraming manliligaw sa kanya." ani pa ni Leo.

"Leo's right. Ayaw mo naman sigurong mawala siya ulit for the second time around." Sabi ni Darrel.

"I can't," sagot niya.

"What do you mean you can't?" tanong naman ni Justin.

"Basta!" naguguluhang wika niya.

"Ang gulo mong kausap, 'dong. Don't tell me you're dating somebody else?" panghuhula ni Vanni.

Tumango siya. "'yun lang!" tila dismayadong sabi ni Ken.

"Si Laurie ba ang sinasabi mo?" tanong ni Jared.

Tumango siya ulit.

"Pare, ano bang nagustuhan mo sa kanya? She's every man's woman. Lahat na lang yata kapag nagustuhan n'ya ay dine-date." Komento ni Roy.

"I don't know," kibit-balikat lang siya.

Hindi pa man siya nakakaisip ng matino nang biglang dumating doon sa Rio's ang main topic nila. Gusto yatang malaglag ng puso niya nang muli ay masilayan niya ang magandang ngiti nito. Kasama nito ang mga kaibigan nito. Hindi niya maiwasang pagmasdan ito. Nakasuot ito ng dilaw at hanggang tuhod na dress. Habang ang buhok nito ay sumusunod sa galaw ng ulo nito.

"Look at her, Pare. She's has a face of an angel." Bulong sa kanya ni Humphrey.

"Yeah. And a woman like her, hindi na dapat pang pinakakawalan." Bulong naman ni Jared sa kabilang tenga niya.

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosWhere stories live. Discover now