CHAPTER TWO

8.2K 170 6
                                    

"WHAT happened? Ang akala namin lahat ay doon ka na maglalagi sa America?" tanong ni Dingdong sa kanya.

Naroon sila sa isang bahagi ng hardin at nakaupo sa isang wooden bench. Nang matapos ang hapunan ay nagkanya-kanya nang trip ang mga kaibigan niya. Ang iba ay nagku-kuwentuhan. Ang iba naman ay nagkakantahan habang may isang tumutugtog ng gitara. At sila, hayun nga sa isang tabi at masinsinang nag-uusap.

"Something came up, I didn't expect. So I decided to go home."

"Do you mind If I ask? What is it?"

Huminga muna siya ng malalim bago kinuwento dito ang tunay na nangyari kung bakit niya mas piniling manatili sa piling ng mga magulang. At pati ang pagpilit sa kanyang magpakasal sa ibang lalaki ay nai-kuwento na rin niya.

Hindi itinago ni Dingdong ang galit matapos marinig ang lahat.

"Ano pa bang gusto nila sa'yo? You've been a good daughter all your life."

"Hindi ko na rin sila maintindihan. Alam ko na concern sila sa akin. Pero nasa tamang edad na ako para magdesisyon sa sarili ko. Hindi ko na kayang ipakipagsapalaran ang kaligayahan ko ng pang habang buhay kapag sinunod ko ang kagustuhan nilang magpakasal ako sa lalaking hindi ko mahal."

Kapwa sila natahimik matapos niyang banggitin ang huling salitang iyon. "Charease... I..."

"Look, kung iniisip mong may kasalanan ka sa lahat ng nangyari. Wala. It's all my fault. I was the one who gave up on you. At pinagsisisihan kong lahat nang iyon. But at the same time, alam kong hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan. I'm sorry for everthing, Archie. Iyon lang ang tangi kong masasabi sa ngayon."

Dingdong held her hand. "It's okay now, Charease. Wala ka nang dapat ihingi ng tawad sa akin. I've already move on."

Tila isang punyal na itarak sa kanyang puso ang mga salitang iyon.

I've already move on...

Daig pa ng tape recorder ang utak niya sa pagre-replay ng mga salitang iyon. And it hurts her so much. Bakit kaydali nitong maka-move on sa naging relasyon nila? They'd been together for two years before they broke up. At isang taon pa lamang ng magkahiwalay sila. Bakit siya na naging dahilan ng break-up nila ay wala halos nagbago sa nararamdaman para dito? Pero parang dito ay tila walang epekto ang pagbabalik niya. Mukhang tama nga yata ang sapantaha niya. Tuluyan na nga yata nitong nakalimutan ang masayang nakaraan nila.

"Are you okay?" untag nito sa kanya.

Napakurap siya. "Ha? Ah— Oo naman. Medyo pagod pa rin ako dahil sa biyahe." Sagot na lamang niya.

"Sa tingin ko nga ay kailangan mo pang magpahinga." Anito.

"Oo nga." Sang-ayon niya. "So, paano? Babalik na ako sa kanila, sigurado mang-aasar na naman ang mga iyon."

Hindi na niya hinintay pang magsalita ito. Tumayo na siya at dire-diretsong naglakad palayo. Malapit na siya sa kinaroroonan nila Panyang nang muli siya nitong tawagin sa pangalan niya. Pati ang iba ay natahimik at tumigil sa kanya-kanyang ginagawa ng mga ito.

"Yes?"

"Isang taon din tayong hindi nagkita. And we have the same circle of friends. Ayokong magka-ilangan tayo kada na lang magkikita tayo. Kung hindi mo mamasamain. I hope we can be friends."

Friends? Friends lang...

Pinilit niyang ngumiti kahit na ang totoo'y hindi siya kumportable sa pagiging isang kaibigan 'lang' nito. Ayaw din naman niyang magmukhang bitter. Kailangan niyang tanggapin kung ano man ang desisyon ni Dingdong. After all, siya ang dahilan ng kabiguan nito.

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon