CHAPTER EIGHT

6.5K 140 4
                                    

"NAKU kung alam ko lang na nandoon ang babaeng bahaw na 'yon. Sinamahan na sana kita. Eh di na-jombag ko ang dalahirang 'yon!" nanggigigil na sabi ni Panyang.

Matapos siyang komprontahin ni Laurie sa lobby ng building na pag-aari ni Dingdong. Hindi nga siya iniwanan nito. Sinamahan pa siya nitong mamili ng mga paninda niya para sa boutique. Noong una ay ayaw na nga niyang magpasama dito dahil may trabaho rin naman ito. Pero nagpumilit pa rin ito. Ayon dito at pati na rin sa ibang Tanangco Boys na nakakakilala kay Laurie. Malakas daw talaga ang kabaliwan ng babaeng 'yon. Lalo na't ginusto nito ang isang lalaki.

Pagkatapos mamili ay umuwi sila. Naikuwento niya sa mga kaibigan ang nangyari. Kaya nga heto ang isang maliit na babae at galit na galit.

"Hay naku, pabayaan mo na." saway niya sa kaibigan.

"Anong hayaan? Hindi puwedeng hayaan ko 'yon! Ininsulto ka, best." Sabi nito.

"Best, relax. Nagtanda na 'yon. Pinalayas nga ng pinsan mo."

"Basta, sabihin mo lang kapag inaway ka ulit n'on." Ani ni Olay. "At nang maresbakan. Kakalbuhin ko talaga ang mahaderang 'yon."

"Oo na po. Salamat sa concern."

Mayamaya ay dumating si Madi galing sa loob ng kitchen. Dala nito ang isang Iced coffee para sa kanya, apple juice para kay Panyang at orange juice naman kay Olay.

"Eto na po ang pampalamig. Para sa mga ulong malapit nang magliyab."

Naroon sila ngayon sa Rio's at nagre-relax. Kahit na pilit niyang nililibang ang sarili kasama ang mga kaibigan. Hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang banta ni Laurie. Natatakot siya sa kung anong maaaring gawin nito.

Mahal na mahal niya si Dingdong at hindi niya kakayanin na mawala pa itong muli.

"Babe, are you okay?"

Napakurap siya. Bumungad sa harap niya ang mukha ng nobyo.

"Ha? Ah... yeah, I'm fine." Sagot niya.

"Are you still thinking about what happened this morning?" nag-aalalang tanong nito.

"No. No. Hindi naman. Napagod lang siguro ako sa pamimili." Pagdadahilan niya.

"Are you sure?" paninigurado nito.

"Yes."

"Ang mas mabuti pa, magpahinga ka na." anito.

"Mamaya na. Dito na muna tayo." Aniya.

"Kung gusto mo ng umuwi. Just let me know. Para maihatid na kita."

Tumango siya saka ngumiti. Pilit niyang ikinubli ang takot na nararamdaman. Hinamig niya ang sarili. Bakit ba naman kasi siya nagpapadala sa mga pananakot at banta ng Laurie na 'yon? Hindi dapat siya magpa-apekto dito. Hindi na dapat siya panghinaan ng loob. Kagaya ng ginawa niya kanina. Lumaban siya. At lalaban siya kapag may humadlang sa pag-iibigan nila.


ISA-ISA silang tumitingin sa mga designs na nasa wedding catalogue. Naroon silang mga babae sa mansiyon ni Don Manuel Santos. Kinakailangan kasing kuhanin ang sukat ng mga katawan nila para sa pagpapatahi ng mga isusuot nila sa nalalapit na kasal ni Panyang. Si Janet Lee, isang sikat na fashion designer ang napili ng kaibigan niya na mag-disenyo ng wedding gown nito.

At dahil sila ay mga dakilang abay sa kasal. Kaya naroon din sila.

"Mabuti pa ang aking si Pamela ay lalagay na sa tahimik. Si Archie kaya?" anang Lolo nito. "Charease, hindi pa ba ninyo napapag-usapan ang pagpapakasal?" baling nito sa kanya.

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosWhere stories live. Discover now