CHAPTER NINE

6.6K 150 0
                                    

"KAYA PALA tinanggihan mo ang pinakilala namin sa'yo ng Daddy mo. Iyon pala'y may balak kang balikan ang Dingdong na 'yan!" galit na galit na wika ng Mommy niya. "Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na wala akong tiwala diyan sa lalaking 'yan! Lolokohin ka lang n'yan!"

Hinilot niya ang sentido. Kaninang kanina pa siya nito sinesermunan. Pati ang kapatid niyang si Cassy na kasamang umuwi ng Ina ay napapasimangot na rin.

"Mom, malaki na ako. Alam ko nang ginagawa ko. Huwag n'yo akong ipilit sa iba, dahil si Dingdong lang ang mahal ko." Depensa niya sa nobyo.

"Kita mo na 'yan? Natuto ka nang sumagot ng dahil sa lalaking 'yan!"

"Mom, will you stop blaming him? Walang ginagawang masama sa inyo si Dingdong. Kaya I don't see the point kung bakit ayaw ninyo sa kanya."

"Basta hindi namin siya gusto para sa'yo."

"Whatever you say, Mom. Pero hinding-hindi ko siya iiwan. I'm sorry. But this time, sarili ko naman ang iisipin ko. I'm done working and thinking for others. Ngayon, ako naman. This is my decision at wala ng makakapagbago niyon." Puno ng katatagang wika niya.

Natahimik ito.

"Ate, Mommy. Tama na 'yan, please." Pakiusap ni Cassy.

"I've had enough. I need to breathe some fresh air." Aniya sabay talikod at lakad patungo sa frontdoor.

"Charease, isasama ka namin sa America. Sa ayaw at sa gusto mo."

Tumigil siya sa paglalakad. "I'm sorry, Mom. Pero kahit na anong gawin n'yo. Hindi ako sasama. I'll stay." Iyon lang at dumiretso na siya ng labas ng bahay.

Habang naglalakad palayo ay unti-unting pumapatak ang luha niya. Hindi niya gustong kalabanin ang sariling mga magulang. Ngunit hindi na tama na pati ang tibok ng puso niya ay diktahan nito. She have a mind on her own and a heart that beats for only one person. Hindi na niya kayang malayo pang muli kay Dingdong.

"Charease,"

Hilam ang mga matang tumingin sa lalaking minamahal at pilit na ipinaglalaban.

"What happened?" nag-aalalang tanong nito.

Hindi siya nagsalita. Basta na lamang siyang tumakbo palapit dito at sinubsob ang mukha sa dibdib nito. Naramdaman niya ng yakapin siya nito ng mahigpit.

"They want me to stay away from you, Archie. Gusto nila akong ilayo sa'yo ulit. Ibabalik daw nila ako sa America sa ayaw at sa gusto ko." Sagot niya sa pagitan ng pagluha.

Lalong humigpit ang yakap nito. "Hindi ako papayag. Hinding hindi ako papayag na ilayo ka nila sa akin muli."

"Huwag mo akong ibibigay sa kanila. Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa ipakasal nila ako sa iba."

"Shh..."

Bahagya siya nitong inilayo. Itinaas nito ang mukha niya at pinunasan ng mga daliri nito ang mga luha sa pisngi niya.

"Huwag ka nang umiyak," anito. "I have an idea."

"Ano 'yon?"

"Basta, trust me on this. Sa gagawin natin. Hindi na nila tayo mapapaghiwalay pa."

Tumango siya. "I trust you."

Ngumiti ito. Pagkatapos ay kinintalan siya ng halik sa labi.

The Tanangco Boys Series 4: Archie Dhing SantosWo Geschichten leben. Entdecke jetzt