Chapter 1

44 9 7
                                    

Andito ako ngayon sa puno ng kalamansi, ngumunguya ng maasim asim na kalamansi na ipinapares ko sa asin. Napaka weird ng pagkain ko. Minsan nga ay kinukuha ko ang katas ng kalamansi at inilalagay sa baso na hinahaluan ko ng toyo. Napakalinamnam! 'Yong tipong manggigigil ka sa asim at alat na dala nito sa 'yong lalamunan!


18 na ako pero ganito pa rin ang asal ko. You only live once nga ika nila. Kaya isinusulit ko na ang buhay! Kahit na nasa wastong edad na ako ay hindi pa rin ako pinapayagang magkaroon ng boyfriend.

Malawak ang ibig sabihin ng pagmamahal. Maaari kang maging alipin ng nakababaliw na pagmamahal! Iba't ibang emosyon ang mararamdaman mo. Para kang nasa rollercoaster!


"Maxine! Bumaba ka na riyan! Kailangan mo pang maglaba!" isang sigaw na nakakairita ang biglang sumira sa moment ko. Oo nga't matanda na ako ngunit ang ayaw na ayaw ko ay ang paglalaba! Pero wala na akong magagawa, kailangan kong maglaba dahil mahigit isang linggo ko nang ginagamit ang panloob ko!


Wag kayong maingay dahil baka maka tikim ako ng masarap na sapak mula kay bruhang tiya Isabel kapag nalaman niya ang madilim kong sikreto.


"Oo na tiya!" sigaw ko pabalik. Aligaga ako sa pagbaba ng nakarinig ako ng kaluskos na sadya kong ikinagulat. Dahil doon ay nahulog ako! Pwet ko ang unang nakatikim ng malamig na lupa.


"Aray!" napahiyaw ako sa sakit. Kawawa naman ang pwet ko!


"Ay? Tanga!" dinig kong hiyaw ng mga kalalakihan. Aba't sabihan ba naman akong Tanga?! Nangingilid na ang aking luha pero pinigilan ko ang pagbuhos nito sa pamamagitan ng pagkagat sa aking labi. Ayaw kong umiyak sa harapan nila dahil nakakahiya 'yon. Talagang nakakahiya 'yon.


Nakaupo pa rin ako't parang na estatwa. Ayoko namang magmukhang kawawa sa kanila noh. Kumuha ako ng maliliit na bato at agad na inihagis sa mga kumag. Agad naman silang kumaripas ng takbo.


Napahagikhik na lamang ako habang pinapagpag ang aking pwetan. Masaya pala ang ganoon. Nakaka satisfy pala ang paghihiganti. Atleast , kahit sandali ay napaniwala ko ang sarili ko na matapang ako.


Ngunit binabagabag ako ng konsensiya ko. Paano ba naman kasi, ang bilin sa akin ni Manong Tasyo ay 'wag na 'wag raw akong gaganti sa mga nananakit sa akin.


Totoo nga ang katagang 'nasa huli ang pagsisisi'. Pero bahala na! Nagawa ko na eh! Hindi ko na mababalik iyon.


"Maxine!! Ilang beses ba kitang dapat tawagan?! Maghanda ka sakin bata ka?!!" muling hiyaw ng aking tiya. At sa puntong ito alam kong nanggagalaiti na siya sa galit.
Agad na nagising ang aking sistema at kumaripas na ng takbo papunta sa aming maliit na tahanan.


Naabutan ko siyang naghahanda ng mga maduduming damit. Hinihiwalay niya ang mga puting damit sa mga de color. Magbabalak pa sana akong tumakas kaso galit na siya, ayoko namang magkaroon pa siya ng wrinkles kaya minabuti ko nang tumahimik na lamang.


Tumingin siya sa akin at bakas sa kaniyang mukha ang inis at galit. "Maxine! Kanina pa kita tinatawag! Ba't kasi ang bagal bagal mo ha?! Nakipagkita ka ba sa boyfriend mo ha?! At sino naman 'yon?! Haru jusko! Pag nalaman ko kung sina 'yang boyfriend mo, malilintikan kayo sa'kin!" sumalubong agad sa akin ang sermon niya. Napatawa na lang ako sa aking isipan nang mabanggit niya ang salitang boyfriend. Hindi ko na pinansin ang kaniyang sermon at dinala na ang mga damit at iba pang kailangan doon sa ilog.

Under His SpellNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ