Chapter 5

7 5 0
                                    

Naubos agad ang handang pagkain ng aking Tiya. Agad ko na ring tinapos ang aking trabaho habang si Tiya naman ay nagaabang ng ipinamimigay ni Senora Clara.

Bukas ko na lang titingnan kung ano man ang ibinigay nila dahil antok na antok na ako. Masakit na rin ng magkabilang braso ko dahil sa paglilinis ng mga pinagkainan, sa dami ba naman ng aming bisita! Kumulot tuloy ang aking bangs dahil sa stress! Charot!

Dumaan muna ako sa silid ng aking mga pinsan, sumilip ako't nakita kong mahimbing na silang natutulog. Dumiretso na ako sa aking silid at pinagpag ang aking higaan.

Humiga na ako't nag dasal muna. Sa pagpikit ng aking mata'y biglang sumilay ang itsuro nung binatang tsino kanina.

Ang kaniyang singkit na mata, ang kaniyang ngiti habang kumakaway.. mahuhulog yata ang panty ko!

Napabalikwas ako sa aking higaan. Nababaliw na yata ako! Sinampal sampal ko muna ang aking sarili bago humiga ulit.

Sa pagpikit ko nama'y nakita ko siyang naglalakad papalapit sa akin, naroon pa rin ang kaniyang ngiti inilalahad niya ang kaniyang palad na para bang isinusundo ako.

Jusko po! Maiihi na ako sa kilig neto!
Hahawakan ko na sana ang kaniyang kamay nang bigla akong nahulog sa aking higaan.

"Ay potspa!" inis kong sabi. Inayos ko ang aking sarili't hindi na muling inisip ang binatang tsino upang makatulog na ako.

Under His SpellWhere stories live. Discover now