Chapter 3

23 6 5
                                    

Maaga akong nagising para sa paghahanda sa pista dito sa aming lugar. Dinig kong madaming dayo kaya puspusan ang paghahanda ng bawat isa. Kaniya kaniyang linis ng daan at ng kanilang bahay. Halos wala na ngang makitang dumi eh.

Kasalukuyan akong naglilinis ng bakuran habang si Tiya Isabel naman ay namalengke. Binili niya ang mga kakailanganing ingredients para sa mga lulutuin niya mamaya. Nag request rin ako na sana'y marami rami ang lulutuin niya para hindi magaya sa nangyari sa aming noong nakaraang taon.

Naubusan kasi kami ng maihahandog sa mga bisita. Nakakahiya tuloy. Naiintindihan ko naman sapagkat kay sarap ng mga luto ni Tiya Isabel. Makakalimutan mo talaga ang iyong pangalan!

Pagkatapos kong mag linis ay inabangan ko ang aking mga pinsan na sina Kisha Louise, at ang kambal na sina Khashmee at Khasheema. Tinatawag kong KL si Kisha dahil mas madali 'yon at maikli. Ayaw niya ring tinatawag siyang Louise dahil para sa kaniya para sa lalaki ang ganoong pangalan. Pero para sa akin, maganda iyon. Kay gandang pakinggan.

Dumating ang isang sasakyan. Tumigil ito at lumabas roon ang aking mga pinsan. Kitang kita sa kanilang mukha ang pagod at pagka sabik. Pagod sa biyahe at pagka sabik dahil magsasama na naman kami ulit!

Isa isa nilang binaba ang mga malalaking maleta. Lumapit ako roon upang tulungan sila ngunit yakap ang unang tumanggap sa akin.

"Miss na miss ka na namin insan!" sabi ni Khashmee sa'kin. Natuwa naman ako dahil sa sinabi niya. Humiwalay ako't inabot ang iba pa nilang kagamitan. Nagpasalamat sila sa drayber, tumango lamang ito at umalis na.

"Halatang pagod na pagod kayo ah! Plano ko pa sanang pumunta roon sa ilog kasama kayo pero wag na lang. Magpahinga na lamang kayo." sabi ko.

"Hayyy! Ngayon lang ulit ako nakapag biyahe ng matagal! Pero oks lang 'yon, basta makita ka naming okay ay napapawi na ang aming pagod." tugon ni Kisha. Napaka corny naman ng babaeng 'to. Pero aaminin kong masayang marinig ang ganoong bagay mula sa kanila.

"Nako! Gutom lang 'yan at nangaamo kaya ganiyan. Wag kami Kisha! wag kami!" sabi naman ni Khasheema. Humalakhak naman kami dahil sa sinabi niya.

Pasalampak silang umupo sa upuang gawa sa kawayan at nag inat inat. Napahalakhak na lamang ako. Mukhang pagod talaga sila sa biyahe. Dumeretso na lamang ako sa kusina't pinaghanda sila ng maiinom. Inilapag ko ito sa mesa't inalok sa kanila.

"Oh, inom muna kayo." alok ko. Isa isa silang sumalin at agad na nilagok 'yon. Naka ilang baso pa sila. Habang ako'y natatawang tiningnan sila.

"Nakalimutan ko yatang uminom ng tubig sa biyahe eh." biro pa ni Khashmee. "nakalimutan ko rin yatang kumain." dagdag pa niya sabay himas ng kaniyang tiyan. Nasundan naman 'yon ng halakhakan ng bawat isa't napailing na lang.

"Pista rito kaya kailangan maghanda tayo ng masusuot. Madaming dayo mamaya kaya kailangan maganda ang itsura natin." paalala ko sa kanila.

"Sa ganda kong taglay, hindi ko na kailangang magbihis ng magara para sabihing maganda noh." pagmamayabang ni KL sabay pose. Nakakatawa tuloy siyang tingnan.

"Nako! Lumakas tuloy ang ihip ng hangin!" hiyaw agad ni Khasheema. Agad naman siyang binatukan ni KL kaya napahalakhak naman kami.

Under His SpellWhere stories live. Discover now