Chapter 6

10 4 3
                                    

"Ang ganda ganda mo binibini." sabi ng binatang tsino sabay haplos sa aking buhok.

Inamoy niya ito at sinabing "Ang bango rin ng iyong buhok."

"Nako! Di naman ako naligo ah! Paanong naging mabango 'yon?!" sabi ko na lang sa sarili ko.

"Aysh hehehe hende nemen de pe nge eke nelelege ehh ekew telege!" nahihiya ko pang sabi sa kaniya sabay hampas ng mahina sa kaniyang dibdib.

Narito kami sa may ilog. Nakahiga kami sa may damuhan, sa bandang anino ng puno upang di kami mainitan.

Tila bang nag de-date kami rito habang ninanamnam ang masarap at malamig na hangin na dumadampi sa aming katawan.

"Tara at magtampisaw tayo sa tubig binibini!" hinila niya ako't dinala ako doon.

Nagtatawan at nag hahabulan pa kami na ani mo'y magsyota. Sa sandaling tumama ang malamig na tubig sa aking paa'y nagising naman ako nang buhusan ako ng tubig sa aking mukha!

"Ay pusang gala!" hiyaw ko dahil sa gulat.

Nakita kong si Tiya Isabel pala ang nagbuhos ng tubig sa akin. Agad ko naman siyang tinanong kung bakit niya ginawa 'yon.

Lapastangan!

Charot! Di ko naman masasabi sa kaniya yan eh. Baka makatikim pa ako ng sermon niyan. Hehehehe

"Kanina ka pa kasi humahalinghing diyan eh! Akala ko tuloy sinaniban ka na!" pagpapaliwanag niya. Umalis na siya kaya nagayos na rin ako.

Hay! Sayang naman 'yong panaginip ko! Parang may ibang sensasyong dala ng lalaking 'yon sa akin! Para bang hinahanap hanap na siya ng aking sistema. Na para bang kailangan ko siyang hanapin para malaman ko ang kaniyang pangalan.

Sana..

Sana naman ay makita ko siyang muli dahil parang... tinamaan na ako sa kaniya!

Under His SpellDonde viven las historias. Descúbrelo ahora