Chapter 7

5 4 1
                                    

"Uy tara gala tayo!" masayang sabi ni Khashmee na sinang-ayunan naman ng lahat.

"Oo nga! Ilibot mo naman kami rito Max. Nakaka bored masiyado kapag nandito kami sa loob." hirit naman ni Khasheema.

"Yes naman! Para ma-expose naman itong beauty ko! Pak!" maarteng tugon ni KL sabay awra.

"Nako nako ayan na naman 'yong hangin! Lumalakas na naman!" parinig ni Khasheema dahilan para batukan siya ni KL.

"Hay nako! Kayo talaga. Oh siya! Maghanda kayo dahil maliligo tayo sa ilog. Ang babaho niyo na oh." saad ko sa kanila.

Tila na excite yata ang tatlo na nagdala pa sila ng mga makakain at isang tela. Mukha mag pi-picnic pa yata.

At dahil sa pagkasabik nilang maligo ay narating namin agad ang ilog.

"WOW! Ang ganda!!" masayang sabi ni Khasheema at agad na nagtampisaw sa tubig.

Inayos ko naman ang dala naming mga gamit. Pumwesto kami sa may anino ng puno upang di kami masyadong mainitan. Inilapag ko ang tela sa lupa at inilabas ang mga hinanda naming pagkain.

Habang ang tatlo'y nagtatampisaw sa tubig ay busy rin akong nilalamutak ang mga pagkain. Gutom na gutom na ako kanina pa noh!

"Psst psst!" tila yata may tumatawag sa akin mula sa likuran.

Hindi ko ito pinansin at tuloy pa rin ako sa paglamutak ng mga masasarap na pagkain.

"Psst psssst!" mas mahaba na ito kumpara kanina. Para bang hinihingi talaga nya ang atensyon ko. Hindi ko pa rin ito ininda sa kadahilanang baka tunog lamang 'yon galing sa mga damo. Tuloy pa rin ang pag nguya ko sa masarap na pagkain sa lapag.

"Psssssssst!" sa huling pagkakataon ay di na ako nakapag timpi pa, alam kong may tao talagang naka masid sa akin mula sa likuran. Pinagmasdan ko muna ang aking mga pinsan na masayang nagtatampisaw sa ilog, alam kong di nila naririnig ang mga kaluskos mula sa aking likuran. Dahil maingay sila at malayo rin sila sa akin.

Hindi na ako nag atubili pang lingunin ang kung sino mang hinayupak ang gustong makuha ang atensyon ko. Hindi nga ako nagkakamali! Isang lalaking singkit ang mata ang naka masid sa akin! Teka... hindi ba't sya 'yong lalaki sa aking panaginip? OMG! Nakakalaglag ng panty ang kanyang kagwapuhan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Under His SpellWhere stories live. Discover now