Chapter 4

7 5 4
                                    

Dumating ang oras para sa pista, lahat ay nagsasaya. Puno ng dekorasyon ang lugar namin. Pagkain doon, pagkain dito. Halakhakan doon, halakhakan dito. Inuman doon, inuman dito.

Napakasaya ng buong lugar. Marami na namang naki kain sa amin, tiyak na hinahanap ang masarap na putahe ng aking tiya. May mga dayuhan ring naki pista sa aming lugar kaya napuno ng kasiyahan ang buong lugar.

Abala sa pagaasikaso ang aking tiya para sa aming mga bisita. Ang tatlo ko namang pinsan ay abala sa pagkain. Nagawi ang tingin ko sa kanilang direksyon at napatawa na lang sa kanilang istura. Si Khashmee ay hawak hawak ang isang manok habang takam na takam na nginunguya ang parte nito, Si Kisha namay maingat ngunit kay bilis na ngumuya! Si Khasheema nama'y nakakatatlong plato na! Jusko!

Habang ako'y naglilinis ng mga pinagkainan ay naalala kong makikipista rin pala ang tsinong pamilya ni Senora Clara. Inaasahan naming may maibigay na sorpresa ang kanilang pamilya sapagkat ganoon naman lagi tuwing may pista. Namimigay sila ng mga pagkain tulad ng mga delata at bigas pati na rin mga bagong damit ay namimigay sila.

Ilang minuto pa't narinig kong naghihiyawan ang mga tao sa labas. Dahil talaga namang tsismosa ako ay iniwan ko ang aking trabaho't nagtungo sa labas. Laking tuwa ko nang makita ko si Senora Clara, ang kaniyang asawang si Don Juanito at ang tsinong pamilya niya.

Samut saring diskusyon ang naririnig ko.

"Nako! Nakakatuwa't andito na sila! Tiyak na may matatanggap na naman tayo!"

"Ano kayang ibibigay nila ngayon? Hindi na ako makapag hintay!"

"Ang ganda pa rin ni Senora Clara! Mukhang dalagang dalaga pa!"

"Sino kaya 'yong binatang singkit? Jusko! Ang gwapo!"

Nang marinig ko 'yon ay agad na nagtungo ang aking paningin sa lalaking nasa bandang likuran ni Senora Clara.

Sa sandaling nagtama ang aming mga mata'y agad akong naestatwa.

Ngumiti siya't kumaway pa, ako naman na isang marupok ay ngumiti't kumaway pabalik.

Nahiya ako't agad na humayo pabalik sa aming bahay. Medyo mapula pula siguro ang aking pisngi! Jusko! Tutuksuhin na naman siguro ako ng aking mga pinsan!

Dedekwat na sana ako papunta sa aking kwarto nang bigla akong hinarang ng akig tatlong pinsan.

"At saan ka galing aber?" mataray na tanong sa akin ni KL.

"Kanina ka pa namin hinahanap." sabi naman ni Khasheema sabay himas sa kaniyang tiyan.

"Patay ka sa Tiya mo! Ba't mo raw iniwan 'yong trabaho mo? Hala ka!" saad naman ni Khashmee na may halo pang pagbabanta.

"Ba't naman ako matatakot?" sagot ko naman sa kanila.

"Malakas kasi ang guardian angel mo sa likod kaya ka ganiyan!" sabi naman ni Khasheema sabay tawa.

"Nga pala, ba't yata mapula ang iyong pisngi? Nakita mo ba 'yong crush mo? Pakilala mo naman sa amin!" nagsususpetyang sabi sa akin ni KL.

"Wala kaya akong crush noh! Alis muna ako, tatapusin ko lang 'yong trabaho ko. Doon muna kayo sa loob, matulog na kayo kung inaantok na kaya ah." bilin ko sa kanila. Agad namang umalis ang tatlo't pumasok na sa kanilang kwarto.

Under His SpellOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz