Chapter 2

23 5 4
                                    

Pag dating ko sa may ilog ay umihip ang sariwang hangin. Kasabay nito'y lumipad ang aking buhok. Dumampi rin ito sa aking balat nag nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa aking sistema.

Banayad at kalmado ang tubig roon. Agad kong tinanggal ang aking tyinelas at tumakbo na parang musmos papunta sa ilog. Tila sabik na magtampisaw sa tubig. Agad na tumama sa aking paa ang malamig na tubig, napaka refreshing sa pakiramdam. Nagtagal pa ako nang ilang minuto roon at napagdesisyunan nang humayo na't simulan na ang paglalaba.

Pinili kong labhan muna ang mga de color na damit dahil mahirap labhan ang mga puti lalo na kung may mantsa ito na talaga namang mahirap tanggalin! Kahit na isipin ko lamang ito'y nakaka kulot ng bangs!

Pumwesto ako sa lugar kung saan ako komportable. Kasama ko si Tiya Isabel at ilan pa naming kapit-bahay na nag uusap at nag tatawanan. Hindi naman ako nagbabagot dahil may ginagawa ako at paminsan minsa'y nakikisali ako sa usapan. Masarap pala sa pakiramdam na may nakikinig at nakakaintindi sa'yo.

"Iha, kailan ka ba magkaka boyfriend? Ke gandang bata't masipag pa. Gusto mo bang magaya ka sa Tiya Isabel mo ha?" tanong sa'kin ng aming kapit-bahay na si Aleng Maria. Sinundan naman ito ng kanilang tawanan. Umiling lang si Tiya Isabel at napatawa na lang rin. Natawa na rin ako sa isipan ko, Maganda? Masipag? ni wala nga ako non eh.

"Hindi naman po ako maganda at masipag hehe." nahihiya kong sabi at napailing. "Atsaka wala naman pong nanliligaw sa akin. Isa pa't wala rin akong planong pumasok sa relasyon lalo pa't bata pa ako." mahabang tugon ko. Napatango na lamang sila't nagpatuloy muli sa paglalaba.

Kuskos dito, kuskos doon. Palo dito, palo doon. Pabalik balik na ginagawa ko at ng mga kasama kong naglalaba rin. Tagaktak na ang pawis ko't sumasakit na ang balikat ko ngunit hindi ko 'to ininda.

"Diba bukas na ang pista rito sa atin? Dinig kong magkakaroon raw ng maraming aktibidades bukas. Dadalo rin daw 'yong tsinong pamilya ni Senora Clara. Nako! Sana'y mamigay sila ng kahit ano para sa atin." sabi ni Aling Nena. Hay nako! Tsismosa pa rin siya.

"Talaga ba? Sana nga." sabi ni Tiya Isabel. Bakas sa mukha niya ang pagkasabik. Nako! Paaasahin niya na naman ang sarili niya. Kawawang Tiya!

Pagkatapos ng paglalaba session namin kanina, napagdesisyunan kong umuwi na't magpahinga. Maghahanap na rin ako ng masusuot namin Tiya.

Under His SpellWhere stories live. Discover now