Kabanata 10

1.6K 47 0
                                    

TBBHR: Kabanata 10

“Anong kailangan mo sa akin?”

Hindi nawawala ang pagkakahawak ni Marco sa aking kamay. Hindi ko man gustuhin iyon ngunit hindi ako makapalag. Gosh. He's too strong. I can't take it. Bagama't ganoon ay pinilit ko pa ring makawala sa kaniya.

“Please, Gaeli! Makinig ka naman sa akin.”

“Tatlong taon na, Marco. Hindi ka pa rin makausad?”

Hindi siya nagsalita. No one ever bothered to talk. Sa sandaling katahimikan na iyon ay nakaramdam ako ng kayapaan. Mas gusto kong huwag na lamang siya magsalita. O kung layasan man siya ay mas makabubuti. E paano ko naman magagawa iyon? His hand keeps me locked out.

“I know, I'm a jerk. Pero papatunayan kong hindi na ako ganoon.”

“Gasgas na 'yan sa tainga ko, Marco. Kahit ano pang gawin mo, hindi na ako babalik pa sa'yo.”

Natahimik muli ang paligid. Kita ko kung paano nanlumo ang hitsura niya. Gosh. May paawa epek pa ang lalaking 'to. Pero walang awa naman niya akong sinaktan noon!

“Talaga bang wala na?”

“Ano sa tingin mo?” Hinarap ko siya. He squeezed my hand. Dahil doon ay nag-init ang ulo ko. “What do you think? Matapos mo akong gawan ng mga kalokohan? Matapos mong ipamukha sa akin na mas maganda ang babaeng 'yon sa akin? Matapos mong iparamdam sa akin na mas mahalaga siya kaysa sa ako, ako na nagmamahal sa'yo? Matapos mo akong bigyan ng tila kaparusahan ng poot sa loob ng ilang taon? Sa tingin mo gugustuhin ko pang bumalik sa'yo?”

Namutla siya. Dapat lang! He should realize it. He should realize that I won't come back to his jerky acts.

My tears automatically fell, dala noon ang lahat ng sakit at hirap na dinanas ko dahil sa kaniya. “You won't hurt me? Then get away.”

“Mahal mo pa ako, hindi ba?” Tanong niya. His face reflects hope. Ngunit gusto kong basagin ang pag-asang iyon.

“No, Marco. Hindi na ngayon. Ipukpok mo 'yan sa utak mo.”

Marahas kong hinatak ang kamay mula sa kaniya. Natanggal naman iyon. Natanggal na kahit papaano ang kahit anong koneksyon namin sa isa't-isa.

Gosh. Bakit ganoon? Bakit ang sakit… parin?

Ang mga luhang dala-dala ko'y umagos patungo sa aking pisngi. Mabilis ko iyong pinalis at dali-dali tumakbo.

Naghaharumentado ang puso ko sa sakit. Kaya hindi ko talaga nais ang makita siya. He always give me this kind of hurt.

Please, just how to move on?

Agad akong nag-abang ng taksi na masasakyan. Mabuti naman at narinig ng Poong Maykapal ang aking kahilingan.

Sinabi ko ang address ni Cinwell. Agad namang tumango ang driver na para bang alam na ang gagawin.

Ang pagtataksil ng mga luha ko ay hindi mapigilan. Paano ko ba mapipigil ang mga ito? My mind keeps reminiscing the pain and I can't take it…

“Ma'am, nandito na po tayo.” anang driver sa harap. I quickly nodded. Nang walang pag-aalinlangan ay binigay ko ang hinihingi niyang bayad.

Agad akong bumaba at sumalubong sa akin ang nagmamalaking gate ng mga Vicente. Taas noo ko iyong tinignan habang ako'y papalapit.

Marahil nakilala na ako ng mga kasambahay kaya agad nila akong pinapasok. Binati. Bumati nang pabalik. Umalalay. Sumunod ako.

Tulad nga ng inaasahan ay hindi namamatay ang masiglang atmospera ng bahay nila. Samantalang kung ikukumpara sa bahay namin ay ibang-iba ito.

The Bad Boy's Hidden Romance (Bad Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon