Kabanata 19

1.3K 32 0
                                    

TBBHR: Kabanata 19

“Bad mood?”

Kitang-kita ang mataas na sikat ng araw mula rito sa canteen. Kasama ko si Eya rito, samantalang si Rad ay wala ngayon. Nagpaalam na aabsent muna. Rason niya, iyon ang hindi ko alam.

“Shut up,” inirapan ko siya.

My face keeps burning and that's the most unbearable thing ever. My gosh! Habang tumatagal ay mas lalo lamang tumatatak sa utak ko ang mga nangyari sa hotel!

“Ano ba kasing problema?” tanong pang muli ni Eya at pinulot ang fries sa kaniyang platito.

Napasabunot ako sa sarili. Bakit hindi ako mapakali? Why do I act like this? This is annoying me.

Napailing ako at mas hinigpitan pa ang pagsabunot. Ramdam ko ang pagkapit ni Eya sa aking braso. Napalingon ako sa kontak na nagawa niya para sa aming dalawa.

“Huy! Okay ka lang?!” tila natataranta niyang sabi. Gulat akong napatingin sa kaniya at nabitiwan ang sariling buhok.

Okay! I look like a crazy witch here!

I nodded harshly at her question. Bahagyang nakaramdam rin ako ng pagkapahiya. Kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Napangiti na lamang ako nang malungkot.

I suddenly felt sorry for her. Gusto kong sabihin ang mga nangyari pero hindi ako mapakali kada maiisip ko 'yun. Maybe I'm just too embarrassed to tell her? Gosh! I don't know! My head is too pre-occupied with things.

Kinulit pa ako nang kinulit ni Eya doon. But I didn't answer. She pouted and just combed my hair.

“Fine, then! Pero huwag kang mahihiyang magsabi sa akin if it really makes you feel bad, all right?” sabi niya bago ako maiwanan.

Pumasok na ako sa classroom. Dahil wala si Rad, kaming dalawa lang ni Cinwell sa huling row ang uupo. At dahil naalala ko nanaman siya, bumalot ang lungkot sa aking mukha.

Nagsimula akong naglakad. Sa bawat hakbang ko, nakikita ko ang tingin ng mga kababaihan sa akin. All right, I know it! Alam kong hanggang ngayon ay laman pa rin ng mga bunganga nila ang mga nangyari kahapon.

Kung paano sampalin ni Kristinn ang aking mukha, ganoon rin ang kagustuhan kong masampal ang kaniya. Kung hindi lang dumating si Cinwell kahapon ay gagawin ko talaga iyon.

My heart fluttered.

Napabuntung-hininga ako nang makaupo. Hindi ko pinansin ang mga nagbubulungan sa paligid. I have no time to think about that. I have my own issues at iyon ang gusto kong masulosyonan. Tamlay na tamlay akong napatingin sa bintanang nasa aking tabi.

“Why do I feel like this way?” bulong ko.

My heart keeps beating hard everytime I think of it. Hindi ko malimutan ang labi niya nang lumapat sa akin doon sa hotel. I mean, it's not the first time ngunit kakaiba ang kaniya. It's like a cotton candy filled with choco syrup.

Napailing ako sa naisip. Gosh! What the heck is this, Gaeli? Am I out of my mind?

Ramdam kong may umupo sa aking tabi. I stiffened. Pakiramdam ko ay alam ko na kung sino iyon.

Parang isang makina kung lumingon ang aking gawi sa kaniya. At kahit alam ko na kung sino iyon, nagulat pa rin ako.

It's Cinwell looking at me… directly in the eyes. Napalunok ako nang makitang kumurba ang ngisi sa kaniyang labi.

“Morning,” panimula niya, hindi naaalis ang tingin sa akin.

Napasinghap ako bigla. Agad akong umiwas ng tingin dahil sa umaangat na kahihiyan sa aking mukha. How could he say things like that if there's an embarrassing thing happened yesterday?!

The Bad Boy's Hidden Romance (Bad Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon