Kabanata 37

1.1K 25 0
                                    

TBBHR: Kabanata 37

“Cinwell…”

Who would have thought that I'll see him again this quick? Is this even real? Is he even real in front of me? Hindi ko alam kung anong mararamdaman.

I even observed his features. Mas lalong naging malamig, naging matipuno, naging matangkad, at mas naging guwapo. Halos mapanganga na lamang ako sa kaniyang presensiya.

His hair is combed and neat. His cold eyes are looking at me, too. Tila bumagal ang mga pangyayari sa paligid nang makita ko iyon.

And his coldness… it feels so real to me. That familiar feeling touched my senses. Gusto kong maiyak. At ano itong nakikita ko? Cinwell and Demi are holding hands! Huwag nilang sabihin na sila na?

“Hey,” bati ko at mataman niya akong pinagmasdan.

Wala akong nakuhang sagot.

Nangilid ang mga luha ko sa ginawa niya. This Cinwell is more heartless than before. More ruthless, more dark. Parang bumalik lamang kami sa dati!

Maiiyak na sana ako. Ngunit ramdam ko ang pagtapik sa akin ni Freya sa braso. Marahil ay sensyas niya iyon na kailangan ko nang maupo.

Napaupo naman ako nang matantong umupo na rin sila Demi. Mapapahiya pa sana ako. Buti na lamang ay tinapik ako ni Freya kanina. Kung hindi niya ginawa iyon ay maiiwan akong tulala.

“So… sila pala ang kasama mo, babe.” ani Freya at ramdam kong siniko niya si Radbyrne.

“Well, ako kasi ang nagpumilit kay Radbyrne na sumama kami. Lalo na at nalaman kong nandito na ulit ang mag-asawa na si Gaeli at Marco.” nakita ko ang pagngisi ni Demi. Diniinan niya pa ang salitang "mag-asawa". Halos masamaan ko siya ng tingin dahil roon. Mabuti na lamang ay napipigilan ko pa.

“Well, yes. We got back here in Philippines to fix something,” ani Marco at sumulyap sa akin.

Nginitian ko siya. Mabuti na lamang ay nandito sa Marco ngayon. Kung hindi, malamang ay lumabas na lamang ako ng bar para ilabas ang sariling sama ng loob. With Marco, I can endure things. Hangga't hindi pa naaaprubahan ang paghihiwalay namin ay patuloy pa rin ang pagpapanggap namin bilang mag-asawa.

Ngunit habang nandito si Cinwell sa aking harap, I don't think I can do that. Lalo na't nasaktan ko siya noon. Ipinagtabuyan ko siya noon, for goodness sake! I want to approach him right now and apologize. Na ibalik ang lahat ng mayroon kami. Ngunit alam kong hindi magiging madali iyon. I sense something that he's official with Demi. And it hurts! Nadudurog ang puso ko.

Nangilid ulit ang aking mga luha. Niligaw ko ang mga iniisip para mawala ang kagustuhan kong umiyak. Saktong napadako ang aking tingin sa mga bote ng alak na nasa harap namin ngayon.

“What are you going to fix?” pasimpleng tanong ni Demi.

“Hmm… let's say they're going to fix something about their marriage.” ani Eya. Ako naman ang nasiko niya dahilan ng paglingon ko. “Right, Gaeli?”

“Y-Yes.” I nodded. Napadako ang tingin ko kila Demi.

Halos masaksak ako sa higpit ng pagkapit ni Demi sa braso niya. And Cinwell, it's as if he doesn't see me. Blangko lamang ang tingin niya sa aking gawi. And whenever he turns his head to Demi, doon lamang siya napapangiti.

Damn, I feel so jealous.

“Well, shall we drink?” Naramdaman ko naman ang akbay sa akin ni Marco at pinisil ang aking pisngi.

One loud thump was heard in a moment. Napatingin kami sa gawi ni Cinwell na ngayon ay napahagalpak ng tawa. My brows raised and at the same time, clueless. Ano ang nangyayari?

The Bad Boy's Hidden Romance (Bad Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon