Kabanata 12

1.6K 43 5
                                    

TBBHR: Kabanata 12

“Anyare sa'yo?”

I'm in the middle of confusion and anxiety. First of all, hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas para isiping totoo ang lahat ng ito. Sana'y panaginip lang 'to! Paulit-ulit ko iyong inisip ngunit alam ko sa sariling lahat ng ito ay hindi panaginip lamang… that this not really far from reality—because this is reality.

Kasabay ng pangungulit at pagpuno ni Eya ng tanong sa aking tainga ay siya namang lakas ng tunog ng pagnguya ni Radbyrne sa kaniyang pagkain. Yes, he's already a part of our squad. Lagi na namin siyang kasama ngayon and according to him, wala nang makakapigil pa sa kaniya.

“I'm okay,” wala sa sarili kong sagot.

Isa pa 'to. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento kay Eya ang mga nangyayari sa amin ni Cinwell. I am full of confusion, isabay-sabay mo pa ang mga takdang aralin ko rito sa paaralan na unti-unti nang naiipon sa mga kailangan kong gawin.

Sa kawalan ng desisyon ay naging “fake girlfriend” ako ni Cinwell nang wala sa oras. Dapat pala'y umayaw na ako. I thought that this task would be easy, na parang isang maliit na sisiw. Na ang pagdikit-dikit sa kaniya ay sapat na para matapos ang gawaing ito na nakasaad sa aking bucketlist. Ngunit hindi. Mas lalo lamang lumala ang sitwasyon at hindi ko inaasahang kagagawan niya ito!

“Kain-kain 'pag may time,” parinig ni Radbyrne sa akin. “Baka malantang gulay ka diyan.”

“Wala akong gana,” bulong ko sa aking sarili.

Nanatili lang akong tulala habang silang dalawa ay ipinapatuloy at tinapos ang kani-kanilang pagkain. Inalok pa nila ako ng isang beses ngunit umayaw lang muli ako.

Kitang-kita ko kung paanong nagkakasundo ang dalawang ‘to. Parang kahapon ay nagbabaranggayan kung magkasagutan ngunit heto na sila at maligayang nag-uusap tungkol sa kung anu-ano.

“Okay ka lang ba talaga?” tanong sa akin ni Eya bago kami magkahiwalay.

Si Radbyrne ay nauna na sa loob ng aming classroom. I nodded at her question.

“Ganon… sige kita nalang tayo!” masigla niyang paalam at kumaway.

Dire-diretso ang pasok ko patungong classroom. Tulad ng kahapon, ganoon pa rin ang mood. Maingay ngunit hindi naman ganoon kagulo. I see several girls getting closer. Make ups on their tables. Ganoon rin ang mga lalaki, tila mga babae ang pinapag-usapan. But I did not bother to be friends with them. Ewan. Siguro ay lang ako sanay na masiyadong maraming mga kaibigan.

“Wala ka ba talagang problema?” nangagulat ang ang puso ko nang tawagin ako ni Radbyrne. At nang mapansin kung gaano ako katulala sa kaniya ay napakibit-balikat na lamang siya. “I see.” pahabol niya pa at pinaikot-ikot ang rubik's cube na hawak.

“Huh?” tila pinanlambutan ako't nagising sa lakas ng simoy ng hanging pumasok sa katabi kong bintana.

“Wala…” diretso niyang saad sabay ayos ng upo. Ngayon ay nakaharap na siya sa gawi ng whiteboard.

Kita ko kung paanong nagpokus ang aking tingin sa mukha niyang seryosong-seryosong nakatingin sa ginagamit na rubik's cube. His dimples are revealed more. Dahil doon ay napaawang ang aking bibig at bukod doon ay napaiwas na lamang ng tingin.

May hitsura si Radbyrne, isip ko. Pero mas gwapo si Cinwell. Doon ay nangunot na ang noo ko sa huling naisip.

I remembered quickly Cinwell's last words. Iyong mga binanggit niya sa akin noong nakaraan. Ngayon ay halos manikip ang aking dibdib sa bilis ng tibok nito.

The Bad Boy's Hidden Romance (Bad Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon