Kabanata 43

1.4K 31 0
                                    

TBBHR: Kabanata 43

Gaeli Veronica Montenegro

Nanaginip ako ngunit naputol iyon. Nasilaw ako sa liwanag na iyon. An extreme temperature of heat hit me. Hindi ko alam kung saan iyon galing ngunit nasisiguro kong liwanag iyon.

Nagmulat ang aking mga mata. Halos hindi ako makamulat sa pagkasilaw ngunit nasanay na rin ako. Bumangon ako para tuluyang gisingin ang diwa.

But an extreme pain hit me. Shit! Bakit masakit ang ulo ko?! Ipinikit ko pa mas lalo ang mga mata para maisip ang mga nangyari.

All I remember was a drunken kiss. A confession… wait what? I confessed? At kanino? Mas lalo ko pang inalala ang lahat.

Namulat ang mga mata ko at nanlaki. Shit! I've said something far from enough! At ang malala pa noon ay nasabi ko iyon kay…

Napatalon ako sa gulat dahil may isang kamay na gumapang sa aking baywang. Mula iyon sa aking likuran. Nahapit ako ng kamay na iyon at isang dampi ng malambot na labi ang tumama sa aking noo.

I turned around to see who it was. At kumabog nang husto ang aking puso nang makita kung sino iyon.

“C-Cinwell…” I called him, my tears are almost flowing.

The morning rage of the sun hit his face. Napakagwapo niya kung tignan mula doon. He looks so unreal… napakurap-kurap pa ako habang nagingilid ang luha. Is this really him in front of me?

“Good morning,” he greeted, a small sweet smile was drawn on his lips.

“W-Wait…” Iniling ko ang ulo. “Nananaginip ba ako…”

“This is real, Gaeli.” he smirked. “Hindi ka ba makapaniwala?”

Natigagal ako. I can't even speak. And at last, tears escaped my eyes.

“Ssh, don't cry.” Cinwell panicked. Agad niyang pinunasan ang luha ko.

“H-Hindi ka na galit sa akin?” iyak tawa ako.

“Say thanks to your precious alcoholic drinks and my remaining love for you,” aniya. May kung anong namuo na sensasyon sa aking puso.

Hindi pa rin ako makapagsalita. Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Muli kong inalala ang pangyayari.

So I was drunk and he found me, then he finally listened to me… iyon ang kaunting natatandaan ko sa mahamog na memoryang naalala ko.

Pero kung totoo man ito at napatawad niya ako, then I'm happy. And the fact that he kissed me the last night… I felt like my nerves were given with hope. I feel like I'm back again. My depressing six years were done. And my friends' efforts are worth it.

Nahawakan ko ang labi dahil sa naalala. Hanggan ngayon, hindi pa rin natatanggal ang tamis roon. Siya namang lapag ni Cinwell ng almusal namin.

“Wait…” inilibot ko ang tingin. “Nasaan tayo?”

“Same resort, different room.” seryoso niyang sagot.

Tumango ako at tila naninibago. Kahapon, he's not talking to me like we're strangers. And with my confession, biglang nabago. Nakakapanibago.

Nanatili akong tahimik habang kumakain. Until I finally got my hopes and courage, I finally talked with my undrunken composure. “Cinwell… I'm sorry.”

Napatigil siya sa pagkain at tinitigan ako. Nagkasalubong kami ng mga mata. His cold eyes were gone. More like, his eyes were sincere and showing the sides of him he failed to show me before.

The Bad Boy's Hidden Romance (Bad Boys Series #2)Where stories live. Discover now