CHAPTER 01

23K 313 8
                                    

PS. Maaari kayong maguluhan sa mga pangyayari sa kadahilanang nasa ilalim ang istoryang ito sa mahigpit na pagrerevision! You can follow me and I will ring your notification to inform you when it's done but don't worry you still can read this now, I just need your wide understanding. Thank you and please leave your comment, it inspire me to keep going.
-


Like the usual

Maaga akong nagising upang pagsilibihan ang aking asawa at upang maghanda na rin sa pagpasok ko sa opisina, tulad din ng nakagawian ay hindi ko na ito naabutan or maybe he didn't go home last night, because he doesn't feel like going home, because I'm not his home and will never be.

I am Anya Cristelle Domingo-Stanton, asawa ko ang CEO ng Stanton company kung saan isa ako sa mga empleyado and expect the not- so-unexpected, hindi ako tulad ng iba na may especial treatment, leave?

Nah! It doesn't work on me,

I have no time for myself because my whole attention was devoted to my work and to him. It's like he simply sent me to hell like what he said long time ago.

Drew agreed to marry me only if we make it a secret, wala namang naging apela ang mga board members and Directors ng opisina nila nang ang iharap lamang nila dito ay ang wedding certificate namin while me?

They hid me.

Drew also told me na h'wag ipangalandakan ang pangalan ko lalo na kapag nasa paligid ang mga Board of Directors dahil kilala lamang daw nila ang asawa ni Drew sa pangalan which is Cristelle Domingo.

Ayos na rin sa akin iyon, wala na rin akong balak ipaalam sa lahat ang katotohanan dahil maliban sa ayokong magalit sakin si Drew ay alam ko namang walang maniniwala, sa mata ng lahat isa lamang akong hamak na empleyadong nakasubsub lagi sa harapan ng monitor ko upang makaahon sa kahirapan ng buhay...

Pero hindi naman iyon ang kailangan ko ahunan, kundi ang sakit na lagging pinapadama sakin ng mismong asawa ko.

Nabalik ako sa reyalidad nang mabitiwan ko ang aking kubyertos, saka ko lamang napansin na tapos na pala akong kumain, mabilis kong niligpit ang kusina at mabigat sa loob na tinakpan sa mesa ang natirang pagkain na para sana kay Drew, agad akong pumara ng masasakyan nang matapos kong isarado ng maayos an gaming bahay.

Yes we've been living in one house since our marriage and sharing a bed like what his Parents insisted ngunit kahit isang beses ay walang nangyari sa pagitan naming, maging ang dulo ng buhok ko ay hindi pa nito nahahawakan, minsan nga tuwing gigising ako ay kapirasong papel na lamang ang naaabutan kosa aking tabi, hanep 'no?

Nagsusulat pa e' magkasama naman kami sa iisang bubong, ganun niya na siguro kaayaw na makasama ako, maski makipag-usap ay dinadaan pa sa sulat. Minsan kapag puro pawis siya o halatang pagod sa trabaho kahit gaano ko kagustong pawiin iyon at lapitan siya ay 'di ko magawa kasi hindi pwede at pambihirang sakit ang lagging nabubuhay sa aking dibdib sa tuwing ibang babae ang gagawa nun sa kaniya,

Ano nga ba kasing magagawa ko? Kasal lamang kami sa papel! At kahit anong pilit kong hanapin ang nararamdaman nito sa akin sa kaniyang mga mata ay wala talaga, wala lang ako sa kaniya.

A mere schoolmate before and a mere wife in paper now.

Napabuntong hininga na lamang ako saka nagbayad kay manong driver nang makarating na ako sa kompanya, halos bumagsak ang aking panga nang patong-patong na files ang maabutan ko sa aking lamesa, ganito ang senaryo araw-araw ngunit parang mas dumuble yata ngayon. Umupo na lamang ako at hindi na nagreklamo upang matapos ko na ito agad.

"Lunch Break!"

Sigaw ng ka-office mate namin, bale apat na palapag ang building na ito maliban pa sa ground floor, nasa first floor kami dahil low class employee daw kami at syempre nasa pinaka-mataas sila Drew at ang iba pang high class

"Hey! Tama na yan! Lunch muna tayo!"

Narinig kong sambit ni Eshell sa gilid ko, sinipat ko ang mga natapos ko at sa 72 na files ay lima pa lamang ang nagagawa ko dahilan upang napapagod na mapabuga ako ng hangin

"Ok lang ako, kayo muna! Madami naman akong nakain kaninang breakfast eh and look oh! Hindi pa ako nangangalahatian"

Naoangiting sambit ko dito habang minumuwestra ang aking mesa ngunit pina-ikutan lamang ako nito ng mga mata

"No way! Bibili nalang ako sa labas! Sabay tayong kakain, ok? And look oh! Nangangayayat ka na!"

Tumatawang sambit nito na halatang ginaya ang boses ko, napanguso ako dito saka siya pabirong hinampas, malakas itong napa-daing na halatang nag-iinarte lamang

"Kung hindi kayo maglalunch, pwede bang tumahimik kayo?"

Muntik na akong malaglag sa aking upuan nang biglang sumulpot mula sa kung saan si Drew, agad bumaba ang tingin ko sa mga braso nito kung saan nakapulupot ang kamay ni Chella...I've never been done that to him

"Hayaan mo na sila, come on!"

Pag-aya nito sabay hila kay Free palayo sa amin, pakiramdam ko ay may palaso na diretsong tumama sa dibdib ko nang ngitian nito ang babaeng iyon, naginit ang sulok ng aking mga mata sa katotohanang 'di niya iyon magagawa sakin, na parang sa kilos niyang iyon tungo sa akin ay ako na ang pinaka nakakadiri at pangit na babaeng nakilala nito

"Ang landi talaga ni Chella! Balita ko may asawa na iyang nilalandi niya eh! Lagot sila sa Madam pag nagkataon! Hay naku"

Pagtukoy ni Chella sa Ina ni Drew, mapait na napangiti ako sa asal nito na akala mo ay siya ang pinagtataksilan, sabagay, baka sobra pa ang himutok ko kung maaari lamang akong magsalita nang hindi sa akin nagagalit si Drew, but I know I really can't... because I love him so much that I can't do anything but to obey him kahit ang kapalit ay segu-segundo akong madurog at masaktan

Iniikot ko ang swivel chair ko patalikod sa elevator na sinakyan ni Drew at Chella upang iwasan ang possible ko pang makita, I heave a very deep sigh before turning to Eshell who is still giving Chella a death glare pallibhasa ay nakatalikod, I pat her one leg for her to look at me, I chuckled a bit to hide my pain and stare at her eyes

"Let them be, alright? Bagay naman sila"

Kita ko ang gulat sa mata nito

"My God, Anya! Don't tell me na sang-ayon ka sa pakiki-apid ni Chellandi na iyon?! For all people huli ka sa iniisip kong a-aggree!"

Nagwawalang sambit nito sa mahinang paraan upang makaiwas sa chismis

"Bakit? Nasaan ba ang asawa ni Sir? Ni hindi nga niya kayang ipakilala ang sarili niya sa atin eh! S-She's too coward"

I said as I shifted my gaze to the elevator at sobrang maling move iyon, Chella kissed our Boss...My Husband.

Hopelessly Devoted (Under Revision)Where stories live. Discover now