CHAPTER 02

16.9K 295 9
                                    

-


Napakurap ako ng maraming beses nang may humarang na bulto sa masakit na tanawing aking nakikita, nakangiting mukha ni Gaze ang sumalubong sakin nang iangat ko ang aking paningin, nakataas ang mga kamay nito na may hawak na supot ng mga ulam at kanin

"Nakabili na ako! Let's eat!"

Nagagalak na anunsyo nito, tumagos ang aking paningin papunta sa elevator ngunit nakasarado na ito, napalunok na lamang ako ng mariin saka pilit na ngumiti nang may mapansin ako bigla

"By the way, nasaan pala si Xavier?"

Tanong ko ngunit agad natutop nang biglang may mabigat na bagay ang pumatong sa balikat ko, sa amoy pa lamang nito ay kilala ko na siya

"Ayie~Namimiss mo nanaman ako Anya, don't worry 'di na ako aalis ng walang paalam sa iyo sa susunod"

Parehong tinignan naming lahat ito ng nahihibang ka na ba look ngunit tumawa lamang ito ng malakas saka naunang ipagdikit-dikit ang aming mga mesa, marahan ang nagawang kong pagsubo habang pinagmamasdan lahat ng aking mga kasama,

Masaya ang mga itong nagtatawanan habang nakikinig sa mga biro ni Xavier, natigilan ako nang dumapo sa akin ang mga nakangiting mata nito, agad akong napayuko dahil sa kakaibang klase ng titig nito

I bit my lower lip nang magsimula nanaman si Gaze na asarin kaming dalawa na sinabayan pa ng iba naming ka-trabaho.

Napapailing na napangiti ako dahil sa kakulitan nila, being a low class employee is not that bad, dito kasi halos pantay-pantay lamang kaming lahat, para na rin kasi kaming mga magkakapatid

"Lunch is done bakit 'di pa kayo bumabalik sa mga trabaho ninyo?!"

Muntik ko ng maibuga ang kasusubo ko pa lamang na kanin nang muli nanamang sumulpot si Drew at nagsalita gamit ang malamig nitong boses, agad na marahang tinapik-tapik ni Xavier ang aking likod habang inaalalayan akong uminom ng tubig, hihinga pa sana ako ng malalim nang malakas akong sikuhin ni Eshell saka bahagyang nginuso ang gawi nila Drew na siyang nilingon ko naman

Pakiramdam ko ay matutunaw ako dahil sa mga titig nito, naglikot ang aking paningin hanggang sa dumapo ito sa kamay niyang nakapulupot sa bewang ni Chella, nasasaktang napakagat ako ng aking labi saka umiwas ng tingin

"Ayos ka lang?"

Xavier whispered right on my ear na siyang marahan kong tinanguan

"I'm sorry Sir, hindi na po ito mauulit"

Gaze said, sabay-sabay kaming lahat na tumayo at yumuko sa harap nito, pinilit kong hindi ito tignang muli ngunit hindi ko talaga ata kaya lalo na sa huling sinabi nito bago tuluyang umalis

"Better not to repeat this sight ever again"

Napatunganga ako dahil dito at sa tingin nito na sa akin lamang naka-tuon

"Tss. Low class supposed to act like that so whatever"

Lumipat ang tingin ko kay Chella dahil sa sinabi nito, ramdam ko rin ang pagpipigil ni Eshell mula sa aking kabilang gilid ngunit agad naka-alis ang dalawa sa harap naming bago pa man ito mawalan ng control sa sarili. Frustrated na nagligpit ng aming pinagkainan si Eshell na siyang tinutlungan ko

"Akala mo kung sino! Back to our college days kung 'di dahil sa pera ay walang maaabot ang malantod na iyon na nakakagulat at mas mataas pa sa rank natin? Ganun kapag anak ng BOD?"

Pagmamaktol pa nito, I remembered na iisang university lamang pala ang pinasukan nina Chella at Eshell, kaya siguro malaki na rin ang galit nito dito noon pa man dahil kilala na niya agad ito

Hopelessly Devoted (Under Revision)Where stories live. Discover now