- 4 -

6K 133 5
                                    

            "ANO po bang nangyari, Ma'am?" tanong ni Ethan ng sa wakas ay makarating sila sa workstation niya.

"Ha? Ah eh..." Ano na nga ulit ang nangyari sa computer ko? Pakiramdam ni Eunice ay lumipad lahat ng nasa isip niya nang makita niya ito at hanggang ngayong nasa harap na sila ng computer niya ay hindi pa rin siya nakaka-recover. Nagsisisi tuloy siyang hindi na lamang niya hinintay na matapos kumain ang mga ito at si Diane na lamang ang pinag-ayos ng dispalinghado niyang computer. Pilit niyang kinalma ang sarili saka ito sinagot.

Imbis naman na mainis ang lalaki sa hindi niya pagsagot ng matino ay muli itong ngumiti sa kanya. Napatunganga na lang tuloy siya ulit dito. It was so unfair. Paano itong nakakangiti ng ganoon samantalang nagririgodon naman ang dibdib niya?

Pilit niyang pinakalma ang sarili upang isalba ang sarili sa mas malaki pang kahihiyan kung hindi niya ito sasagutin.

"N-nag-blue screen kasi 'yang monitor ko kanina tapos namatay. I switched it on again pero tumunog na lang siya at ayan na nga." Sa wakas ay nagawa niyang sabihin.

"And have you saved the files you were working on?"

"Ayun nga eh. Hindi ko sila nai-save."

"'Thought so. Kaya natataranta ka na kanina." Lumuwang pa ang pagkakangiti nito. Not a mocking smile kahit pa alam niyang medyo katangahan ngang hindi man lang siya nagsi-save ng files niya just to be sure na kung magkaka-aberya man ay may matitira sa pinaghirapan niya kahit paano. "Ako na po ang bahala. Paupo ha?"

"S-sure." Sagot niya.

Umupo ito sa upuan niya at nagtitipa doon. Habang abala ito sa pagkalikot at pagta-type sa computer niya na hindi naman niya maintindihan ay nakatayo lamang siya sa likod nito. Kahit papaano ay kumalma-kalma naman ang nagwawalang dibdib niya ng tumalikod ito. Sinasabi na nga ba niya at ang ngiti nito ang dahilan ng malakas na tibok ng puso niya kanina.

Watching him do his work makes her like him more. Ang cool kasi nito habang buhos ang atensiyon sa ginagawa. Hindi rin niya maiwasang titigan ang mga daliri nitong abala sa pagta-type sa keyboard niya. His fingers were long and candle-like. Suddenly she got curious of how it would feel like being held by those perfect fingers of his.

Halt! That was creepy! Pigil niya sa naglilikot na niyang imahinasyon. Hindi yata at binubuhay ng lalaking ito ang pervert side niya just by his mere presence. Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi niya. Mabuti na lang at hindi ito nakaharap sa kanya kung hindi ay malamang na kahiya-hiya na naman siya sa harap nito.

Upang hindi na matukso pa rito ay sa mismong monitor na lamang siya tumingin kahit pa sumasakit na ang ulo niya sa pilit na pag-intindi sa mga codes na itina-type nito. Nagulat pa siya nang maya-maya ay bumukas na ng maayos ang computer niya.

"Ma'am, mag-log-in po kayo." Magalang na sabi nito saka dahan dahang iniusog ang upuan upang makalapit siya sa computer niya.

"O-okay" lumapit naman siya at bahagyang yumuko upang maabot ang keyboard. Kahit umusog na ito upang bigyan siya ng space ay nararamdaman pa rin niya ito sa likod niya. Maging ang hininga nito ay nararamdaman niyang bahagyang tumatama sa buhok niya. She cringed. Ano na nga ba ulit ang kailangan niyang gawin? Darn it!

"Ma'am?"

"H-ha?" wala sa sariling tanong pa niya.

"'Yong log in n'yo po."

Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon