- 8 -

5.6K 112 0
                                    

            "THANK you nga pala sa lahat ng tulong." Sabi ni Eunice sa katabing si Ethan na abala sa pagmamaneho. "but you should not have threatened the doctor like that." Natatawang dugtong niya.

Naaalala pa niya ang nangyari kaninang nasa ospital sila nito. Pagpasok pa lamang ng doktor na titingin sa kanya ay pinaulanan na nito ng paninindak ang pobreng manggagamot. Kesyo kailangan daw nitong ayusin ang trabaho nito dahil oras na hindi bumalik sa dati ang paa niya ay idedemanda nito ang doktor sampu ng buong ospital. Ang doktor naman ay mukhang nasindak din na ingat na ingat sa paggamot sa kanya.

"Kailangan iyon para gawin niya ng maayos ang trabaho niya." Sagot naman nito.

Napailing-iling siya ngunit lihim din namang napangiti. It was weird of him to do so but it made her feel special. Sa ginawa kasi nito kanina parang pinapalabas nitong napakahalaga nito sa kanya at kung may mangyayari sa kanya ay aawayin nito ang buong mundo. At hindi pa man ay nararamdaman na niya ang puso niyang unti-unting umaasang kahit papaano ay nag-aalala ito sa kanya to think na hindi pa naman siya nito ganoon kakilala.

Ngunit agad niyang pinalis ang pag-asang iyon. At if he was just being nice as always pagkatapos ay umaasa na siyang kahit papaano ay may nararamdaman din ito para sa kanya? Hindi ba siya rin ang masasaktan? She sighed.

"You should not act too kind to everybody." hindi napigilang sabi ni Eunice maya maya

"And why is that?" kumunot ang noo nito bagaman nakatutok pa rin ang tingin sa harapan.

"People might, you know, get the wrong idea." Tinignan nya ang magiging reaksiyon nito sa sinabi niya. Baka kas biglang na-offend niya na pala ito ng hindi sinasadya.

"Like?" tanong lamang nito.

"Like, m-maybe someone would think you like her just because you were utterly nice?" Me included.

Lumingon naman ito sa kanya saka ngumiti at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa daan.

"Why do you always say that I'm nice?" maya maya ay tanong nito.

"Because you are! Like the first time we met outside the office and ---" natutop niya ang bibig. Ni hindi nga siya sigurado kung naaalala pa nito ang unang pagkikita nila.

"I first met you inside the office building." Nakangiti pa ring sabi nito.

Sinasabi na nga ba niya at hindi na nito naaalala ang eksena nila sa ulan, sa ilalim ng payong nito. Hindi na nito naaalala ang babaeng minsang pinasukob nito sa payong nito at pinunasan nito ng panyo nito. Bahagyang kumirot ang puso niya. Normal ba iyon kahit crush lang naman niya ito?

"Do you really think I am doing all these just because I am nice?"

"O-oo?" alanganing sagot niya. Saglit namang lumingon ito sa kanya. Lumaki din ang pagkakangiti nito na para bang may inside joke itong naisip.

"Then you better start guessing for another reason why I'm doing these things." Simpleng sagot nito maya maya.

"Ha?"

"Saan na nga ulit ang bahay niyo?" tanong nito na parang hindi narinig ang tanong niya.

Wala na siyang nagawa pa kung hindi sabihin dito ang address nila. Paminsan minsan din niyang itinuturo rito kung saang direksyon ito dapat lumiko upang hindi sila maligaw. Ilang sandali lang din naman ay nakarating na sila sa tapat ng bahay niya.

Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now