- 10 -

5.8K 113 1
                                    

            AKAP sa tapat ng dibdib ang paperbag na sumilip si Eunice sa workstation ni Ethan. Agad naman niya itong nakita na abala sa harap ng computer nito. Iyon ang unang beses na nakita niyang napakaseryoso ng anyo nito. Maybe this was him when he was busy. He was funny and all smiles when he was not busy. At mukhang nagta-transform din ito kapag tambak ang trabaho nito.

It has been days since Ethan filed his leave. At alam niyang nakabalik na ito dahil narinig niya ang usapan ng ibang empleyadong nakakita na rito. Ang akala pa naman niya ay magpapakita ito sa kanya agad kapag nakabalik na ito ngunit ni anino nito ay hindi na niya nakita. And she was getting frustrated. Hindi niya alam ngunit pagkatapos ng huling beses na nagkita sila ay naramdaman niyang lumawig pa ang nararamdaman niya para dito.

"I was just worried about you."

Hanggang ng mga oras na iyon ay sariwa pa sa alaala niya ang mga sinabi nito. At sa bawat pagkakaton na maaalala niya iyon ay kusang bumibilis ang tibok ng puso niya na parang nasa paligid lang niya ito. Hindi niya alam kung normal pa sa isang gaya niyang humahanga sa isang lalaki ang ganoon. Ang alam niya kasi noon, kapag crush mo, okay na kahit hanggang tanaw lang. That you are not entitled to ask for more. But her case was different ,now, she was sure. Na parang hindi kumpleto ang araw niya nang hindi ito nakikita at nakakausap. Kaya nga sa pagkakataong iyon ay siya na ang gumagawa ng paraan upang kahit papano ay makita ito.

Ngunit nagdadalawang-isip naman siya kung lalapitan ito at kakausapin. Sa itsura kasi nito ay para itong mangangain ng tao kapag naistorbo sa ginagawa.

Tinignan niya ang paperbag na hawak. Sa loob niyon ay nakalagay ang jacket nito na ipinahiram nito sa kanya. Hindi na muna niya isinama ang panyo nito roon. She might need that for another excuse. Isa pa baka hindi rin nito maalalang pag-aari nito ang panyo. Hindi na nga nito naaalala na hindi sa opisina ang unang pagkikita nila, kundi sa labas lang at hindi pa rin sila empleyado ng kompanyang iyon.

Tinignan niyang muli ang binata. He was still focused on whatever was on his monitor. Bumuntong-hininga siya at napagpasyahang saka na lamang ipagpatuloy ang plano. Umikot na siya para umalis nang mabunggo naman siya sa pader. Mabangong pader, actually.

"Miss Abueva."

Awtomatikong umangat ang tingin niya sa nagsalita. Hindi pala solidong pader ang nabunggo niya. Malapad na dibdib pala ng isang lalaki iyon. At nang humantong ang tingin niya sa mukha ng taong nasa harap ay napanganga siya.

"M-Mr. Alcala." She managed to say.

"Right, that's me." Nakangiting sabi naman nito.

The guy was handsome wearing his three piece suit. He was literally towering over her. Humahalimuyak din ang pabango nitong hindi naman masakit sa pang-amoy. And even though he was smiling enthusiastically at her, he still looked dominating. At nanliliit siya sa harap nito.

Mr. Menriz Alcala was the company's very much praised young CEO. Hindi pa niya ito nakikita sa ilang buwang pagtatrabaho niya sa opisinang iyon maliban sa mga emails kung saan nakapaloob ang picture nito o sa mga magazines kung saan na-cover ito. At sa dinami-dami ng tao sa opisina, it was their CEO that caught her lurking at Ethan's work area. At tinawag siya nito sa apelyido niya kanina, which means kilala siya nito. Hindi niya alam kung paano ngunit hindi na niya iyon naisip pa dahil nang mga oras na iyon, parang gusto niyang hilinging kainin na lamang siya ng lupa!

"S-sir!" iyon lamang ang nasabi niya.

"What are you doing here, Miss Abueva? May hinahanap ka ba?" nakangiting tanong nito. Hindi pa man siya sumasagot ay sumilip na ito sa kaninang sinisilip din niya saka unti-unting lumawak ang pagkakangiti nito. Did he know who she has been looking at? "Bakit hindi ka na lang lumapit? Mukhang nandoon naman ang hinahanap mo."

Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now