- 7 -

6.4K 138 1
                                    

            MALALIM ang hinugot na hininga ni Eunice saka nangalumbaba sa lamesa. It was their Company Christmas party. Tapos na ang program proper kaya naman karamihan sa mga nagsidalo ay nasa gitna na ng dance floor at nagsasayawan. Isa lamang si Eunice sa mangilan-ngilang naiwan sa kanya-kanyang table. Hindi kasi niya maasahan ang sarili niya sa pagsayaw at nagrereklamo na rin ang mga paa niya dahil sa suot na high heeled shoes. Nasisiguro niyang ipapahiya lamang niya ang sarili niya kung makikisali siya sa pagsasayaw.

Isa pang dahilan ay may nais siyang makita nang gabing iyon at sa tingin niya ay kung papagitna siya sa mga empleyadong nagkakasiyahan sa pagsasayaw ay lalong malabong makikita niya ito. Iyon nga lang na kanina pa niya iginagala ang paningin sa paligid ay hindi pa niya nakikita ito, paano na lang kung napapaligiran na siya ng maraming tao?

Sa ilalim ng lamesang inilaan para sa team nila ay nakalapag ang isang paperbag na naglalaman ng jacket na plano niya sanang ibalik sa nagmamay-ari niyon, si Ethan. Ang nauna niyang plano ay ibigay iyon agad at umasang paninindigan nito ang pangakong dinner kasama siya but she ended up rejecting the idea. What if he was not serious with what he said back then? And she was not that brave to bring up his promise. Isa pa, hindi niya kayang basta na lamang itong harangin habang nasa opisina sila upang ibalik ang jacket dito. Alam niyang pagtitinginan siya ng mga katrabaho, or worst, pag-tsismisan pa siya ng mga ito. At least sa company Christmas party, hindi gaanong makakatawag ng atensiyon kung kaswal na kakausapin niya ang binata. It was a party anyway.

Ngunit sa kamalas-malasan ay ni anino nito ay hindi man lamang niya nasilayan. Ni hindi nga niya alam kung dumalo man ito o hindi. Nagpaganda pa naman siya ng husto para sa party na iyon sukdulang murahin siya ng mga paa niya kung nakapagsasalita man ang mga iyon dahil sa deadly heels na suot niya. Sa tanang buhay pa naman niya ay hindi pa nakaranas ang mga paa niya tumapak sa sapatos na lampas sa dalawang pulgada ang taas. Maging ang suot niyang spaghetti strapped cocktail dress ay pinaghirapan pa niyang hanapin sa mall noong nakaraang araw. Maaga rin siyang sumugod sa parlor upang magpaayos dahil wala siyang alam sa pag-aayos. And it seems like all her efforts were in vain. Mukhang matatapos na lang kasi ng tuluyan ang party ay bigo pa din siya.

Kinuha niya ang cellphone sa bag saka tinignan ang oras at napabuntong hininga nang makitang alas-diyes na ng gabi. Nag-uuwian na rin ang iba. Hindi malabong kung um-attend man si Ethan ay malamang na umuwi na rin ito.

Nagpalipas pa siya ng ilang minuto bago sumuko at nagpasyang umuwi na lang. Ano pa ang dahilan upang manatili siya roon kung hindi naman niya nakikita ang gusto niyang makita?

Kinuha niya ang bag at dinampot ang paperbag sa ilalim ng lamesa saka naglakad papunta sa mga nagsasayawang tao sa gitna upang magpaalam sa mga kasama niya. Nang makita niya si Alice sa pagitan ng mga tao at siyang siya sa pag-indak ay naglakad siyang palapit dito. Ngunit hindi pa man siya nakakailang hakbang ay may isa nang nakabunggo sa kanya. Agad siyang nawalan ng balanse dahil na rin sa kanina pa nananakit ang panay paltos na rin siguro niyang paa.

"Aw!" daing niya nang mag-landing ang pang-upo niya sa malamig na sahig. Inaasahan niyang aasikasuhin man lamang siya ng kung sino mang nakabunggo sa kanya ngunit tinignan lamang siya nito na at iniiwas ang tingin. Nanlaki ang mga mata niya at handing handa na siyang kastiguhin ito nang maramdaman niya ang paglapat ng mainit na bagay sa likod niya.

"Are you okay?"

She stiffened. Kilala niya ang boses na iyon mula sa likod niya. Paanong hindi samantalang sa iilang pagkakataong nakausap niya ito ay nag-register na ang boses nito sa utak niya. Sa tuwing maririnig niya nga ang boses nito sa opisina ay awtomatikong napapalingon na siya.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay ayaw niyang lingunin ito. Nasisiguro kasi niyang kahiya-hiya ang itsura niya nang mga oras na iyon. Kung bakit naman kasi naisipan nitong sumulpot kung kailan umaarangkada ang pagkalampa niya.

Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon