- 24 -

11.7K 264 35
                                    

Hinilot ni Eunice ang sentido niya nang bahagyang kumirot iyon ngunit hindi niya inilayo ang tingin mula sa monitor ng computer niya. Dinampot na lamang niya ang tasa ng kape sa table niya at uminom doon.

She had been overworking herself these past few days. Iyon na lamang ang naiisip niyang paraan upang hindi na siya makapag-isip pa. Maging ang mga trabaho niyang malayo pa ang due date ay tinatapos na niya. Gusto niyang punuin ng trabaho ang isip niya para hindi na magkaroon ng lugar doon ang mga bagay na magbibigay lamang sa kanya ng sakit.

She was far from getting over the hurt, but she was trying so hard. Sinubukan niyang mag-leave sa opisina ng isang linggo dahil umaasa siyang makakalimutan niya ang mga nangyari kung malalayo siya sa lugar kung saan niya unang nakilala si Ethan, ngunit mali siya. Dahil maging sa bahay nila at sa subdivision nila ay may naiwang alaala ito. And what makes the matter worst was that having so much alone time would give her more time to think about him, as well.

Kaya naman one week lamang ang itinagal niyang malayo sa opisina at pumasok na rin siya. Kung masama para sa kanya ang magkaroon ng mahabang oras para mag-isip, hindi na lamang niya bibigyan ang sarili ng pagkakataong isipin pa ang masakit na nangyari. And the only way was getting her mind busy on work.

"Huy! Pang-next month na cut-off na yata 'yang tinatapos mo! Huwag kang masyadong masipag!" saway sa kanya ni Alice.

"Mabuti na ang advanced. Para hindi ako maha-hassle kapag malapit na ang cut-off nito." Palusot niya nang hindi ito tinignan.

"'Sus! You know, overworking yourself won't make you feel alright. Magkakasakit ka lang sa ginagawa mo eh!" sabi ni Alice saka pumalatak pa.

Alam niyang nag-aalala ito sa kalagayan niya kaya siya binubulabog nito. Her friend knows why she was acting that way. Ito kasi ang naisipan niyang hingahan ng sama ng loob niya noong araw na malaman niya ang totoo tungkol kay Ethan. Nagprisinta pa nga itong sugurin ang binata kung hindi lamang niya ito pinigilan. What was the use? He was engaged and she was not even sure they have something going on between them. Oo, nagtapat siya ng nararamdaman niya rito ngunit hindi naman nito tinugon ang sinabi niya.

Hindi pa man siya nakakasagot sa sinabi ng kaibigan ay narinig na nila ang pag-iingay ng fire alarm. Napakunot ang noo niya saka tinignan si Alice.

"May drill ba?" tanong niya rito.

"I don't think so. Come on, let's get out of here." Kunot din ang noong sabi nito.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Nagkakagulo ang lahat. Hindi magkandaugaga ang iba sa paglabas habang may ilang securities namang gumagabay sa mga papalabas na. Wala naman siyang nakikitang apoy o usok man lang kung kaya bakit biglang nag-ingay ang alarm?

"Ma'am, lumabas na ho kayo." ang sabi ng security na lumapit sa kanila.

"Eh manong, drill ho ba ito?" tanong niya.

"Naku, Ma'am hindi po." Ang magalang na sagot nito.

"Eh nasaan ho ang sunog?" kunot ang noong tanong niya.

"Nasa ibang floor ho."

"Nasa ibang floor naman pala! Halika na nga! Ayokong matusta ang beauty ko rito kapag umabot dito ang sunog." Hinila na siya ni Alice sa braso at hindi na niya nadampot pa ang bag niya. Sa fire exit sila dumaan nito kasabay ang ilan pang empleyadong bumababa rin mula sa iba't ibang palapag ng gusali.

Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now