- 17 -

5K 119 3
                                    

            "AY, kalabaw!" gulat na sabi ni Eunice nang may biglang humarang sa daraanan niyang papasok sa office building nila.

"Ang gwapo ko naman yatang kalabaw." Ang nakangiting bati ng lalaking humarang sa kanya. Napalitan ang kabang nararamdaman niya ng tuwa nang mapagsino ang lalaki. It was Ethan, looking dashing as ever while smiling widely at her.

"G-good Morning." Naiilang na sabi niya. Oo nga at nakapagtapat na siya rito. Mukha namang tinanggap din nito iyon. They even kissed under the rain. Pero ngayong nagbabalik na sila sa reyalidad kung saan pareho silang empleyado sa iisang kompanya ay bigla siyang nailang. Hindi niya alam kung paano ba ito pakiharapan samantalang kung makangiti naman ito ngayon sa kanya ay parang walang anumang nangyari sa pagitan nila.

Ngunit sa halip na sagutin ang pagbati niya ay basta na lamang nitong hinawakan ang kamay niya saka siya hinila patungo sa magarang sasakyang nakikilala niyang pag-aari nito na nakaparada sa may sidewalk.

"T-teka, Ethan. Saan tayo pupunta?" tanong niya rito nang nasa tapat na sila ng sasakyan nito.

"Somewhere." Inalalayan siya nito sa pagsakay. Dahil naguguluhan sa nangyayari ay wala na siyang nagawa kung hindi ang sumakay na rin. Sumakay naman ito sa driver's seat bago pinaharurot ang sasakyan.

"E-Ethan may trabaho pa 'ko!" nasabi niya maya maya.

"Don't worry. Naipagpaalam na kita kay Menriz." Tukoy nito sa CEO nila. At teka ipinagpaalam siya nito sa CEO nila?! "You're mine for today" sabi nito saka kumindat pa sa kanya.

Her heart skipped a beat when he did that. Bigla parang wala na rin siyang pakialam pa kahit sandamakmak ang trabahong kailangan niyang tapusin sa opisina. Parang musika sa pandinig niya ang huling sinabi nito. Sa ngayon ay iyon na lamang ang tinatanggap ng isip niya.

Sa buong byahe ay hindi na ito nagsalita pa kaya naman literal siyang napanganga nang itigil nito ang sasakyan sa parking lot ng isang sikat na amusement park. Napakurap-kurap pa siya sa pagkamangha. Ano ang nangyayari at dinala siya nito doon?

Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Namamanghang bumaba naman siya ng sasakyan saka pinukol ng nagtatakang tingin si Ethan na ngumiti naman sa kanya.

"Hindi kita nabigyan ng birthday gift kahapon kasi hindi ko alam na birthday mo. Hayaan mo naman akong makabawi, please?"

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

"I'm giving my girlfriend a birthday present that she will never forget."

Girlfriend?Nahirapan yata ang utak niyang i-digest ang sinabi nito. Ngunit nang sa wakas ay gumana na ang utak niya ay hindi niya napigilang mapangiti sa kilig. He just confirmed that they were officially a couple!

Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)Where stories live. Discover now