- 21

5K 101 0
                                    

            "NO calls, no texts. Kahit facebook message wala!" himutok ni Eunice saka nangalumbaba sa mesa niya. Napu-frustrate na talaga siya. Ilang araw na siyang walang balita tungkol kay Ethan. He has been out of the office for five days now. Ang sabi nito nang huli silang magkausap ay may mahalaga lamang itong aasikasuhin kaya mawawala ito sa opisina ngunit hindi naman nito sinabi na hindi siya nito kokontakin.

A text a day would be enough ngunit maging iyon ay ipinagkakait nito sa kanya. She was going nuts thinking of where he was, what he must be doing or if she would be able to see him again. Huli niyang nakita ito nang sunduin siya nito mula sa opisina nang mag-overtime siya at makatulog sa workstation niya. Napapaisip tuloy siya kung mayroon itong nakitang nakaka-turn off noong natutulog siya kaya ngayon ay lumalayo na ito sa kanya. Pero sa pagkakatanda niya ay okay naman sila nang magising siya. He even addressed her as his girl. Kung ganoon bakit ngayon ay literal na "missing in action" ito sa buhay niya ng ilang araw na?

"Baka naman sobrang busy lang n'ong tao kaya hindi makatawag sa'yo." Pagpapalubag-loob ni Alice. "Intindihin mo na lang. Baka may mabigat na problema o kung anuman."

"Isang text lang naman ang hinihingi ko, mahirap ba 'yon?"

"Baka nga maraming iniisip. Malay mo may problema sa pamilya?" napabuga ito ng hangin. "Maloloka ako sa'yo eh. Mag-lunch out na nga lang tayo! Nagugutom ako sa mga ka-drama-han mo eh!" sabi nito saka hinila na siyang paalis.

Nagpatangay na lamang siya rito at baka sakaling sa paglabas nila ay saglit na mawaglit sa isip niya ang mga frustrations niya. Ngunit hindi pa man sila tuluyang nakakalabas ng building ay tinawag na siya ng receptionist sa lobby ng building.

"Yes?" nakangiting tanong niya sa receptionist.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo eh." Saka bumaling sa couch na naroon. Nakaupo doon ang isang magandang babae. Tumayo ang babae pagkakita sa kanya saka siya hinarap. The woman looked familiar. "Ma'am, nandito na po si Miss Abueva."

"Hindi ba si Arriane de Guzman 'yan?" bulong ni Alice na nasa tabi niya. "Oh my gosh, siya nga!"

Arriane de Guzman? The model slash heiress, Arriane de Guzman? Kaya pala pamilyar ang mukha ng babae sa kanya. She had seen her on fashion magazines. Ang alam niya ay international runway model din ito. What would an Arriane de Guzman need from her?

"Eunice, right?" nakangiting tanong nito sa kanya. Hindi siya sigurado kung bakit bigla na lamang kumabog ang dibdib niya nang banggitin nito ang pangalan niya. She was smiling at her but that made her feel worst. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Y-yeah, that's me. You need anything from me?" magalang na tanong pa rin niya.

"Can we talk somewhere else?"

Crushing On You (Completed/Unedited Version/ Published)Место, где живут истории. Откройте их для себя