Prologue

18.8K 81 26
                                    

ISANG malaki at bagong bahay na nakatirik sa dakon itaas ng overlooking na village ang tinitirhan ni Ampy. Mula roon ay nakikita ang mga bahay sa ibaba na parang kasinliliit na lamang ng mga langgam. Napakaganda ng paligid. Imposible, pero nagkaroon ng paraiso malapit sa maingay na siyudad. Iyon ang paraiso ng kanyang mga magulang. Isang paraisong produkto ng pagod, pawis, panahon ng mga ito, ngunit sa isang kisap-mata ay nawasak.

Nakatayo siya sa terrace na nakapalibot sa malaking bahay. Malungkot na malungkot siya habang bumabalong ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Habang sa likuran niya ay nagtatalo ang kanyang mga magulang.

"I told you to stop seeing that woman!" sigaw ng kanyang ina. ' _

"No, I won't stop seeing her. I' m going to see her for the rest of my life because I'm gonna live PROLOGUE

ISANG malaki at bagong bahay na nakatirik sa dakon itaas ng overlooking na village ang tinitirhan ni Ampy. | Mula roon ay nakikita ang mga bahay sa ibaba na parang kasinliliit na lamang ng mga langgam. Napakaganda ng paligid. Imposible, pero nagkaroon ng paraiso malapit sa maingay na siyudad. Iyon ang paraiso ng kanyang mga magulang. Isang paraisong produkto ng pagod, pawis, panahon ng mga ito, ngunit sa isang kisap-mata ay nawasak.

Nakatayo siya sa terrace na nakapalibot sa malaking bahay. Malungkot na malungkot siya habang bumabalong ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Habang sa likuran niya ay nagtatalo ang kanyang mga magulang.

"I told you to stop seeing that woman!" sigaw ng kanyang ina. ' _

"No, I won't stop seeing her. I' m going to see her for the rest of my life because I'm gonna live with her!"

Nilingon niya ang mga ito. Binuksan ng ama mya ang closet at sinimulang iempake ang mga gamit nito. Saglit na napamaan g ang kanyang ina. Sa hitsura 'to ay parang nagkaroon ng biki g sa lalamunan nito at hindi kaagad ito nakapagsalita. Nagpatuloy sa pageempake ang kanyang ama.

"W-what is the meaning of this. Raynaldo?" halos pabulong na tanong ng kanyang ina habang unti-unti namang nanunubig ang mga mata nito.

"Hindi ko na kayang tagalan ang pagiging nagger at selosa mo, Letty. It's time for us to part ways."

"Tell me it's a joke, Raynaldo," garalgal ang boses na saad ng kanyang ina. "N agseselos ako... nagagalit... dahil sa mga ginagawa mo. Dahil sa mga pambababae mo. I won't be like this without reasons, Raynaldo"

"I'm sorry" sagot ng kanyang ama, saka isinara ang zipper ng traveling bag. "Olivia is three months
pregnant her baby needs a father. He needs me." "Pero pa'no si Ampy?" tanong ng kanyang ina. "She's also your child, Raynaldo, and she needs you, too." Tuluyan nang nabasag ang-boses ng'kanyang ina kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata nito. Tahimik na lumuha siya sa isang tabi. Pakiramdam niya ay bumagsak ang mundo sa kanya. Her parents' marriage was over. At kung ano ang sinabi ng kanyang ina ay iyon din ang gusto niyang itanong sa kanyang ama. Paano siya? Kailangan din niya ng ama. But her father had never listened. He had shut hi door from them. Nagkasya na lamang siya na sundan ng tingin ang kanyang ama habang nakatayo siya sa terrace.

"Raynaldo, 'wag mo 'kong iwan !" nagmamakaawang sabi ng kanyang ina habang nakayakap sa binti ng kanyang daddy. "Please... I can't live without you! I'm going to die!"

Pero kaagad kumawala ang kanyang ama sa pagkakayapos ng kanyang ina at nagmamadaling sumakay sa kotse nito.

"Raynaldo !" sigaw ng kanyang ina habang hinahabol ang kotse ng kanyang ama. At nang hindi mahabol ang sasakyan, parang nauupos na kandilang napaluhod ang kanyang ina sa kalye at umiyak nang umiyak.

Hindi niya alam kung kailan matatapos ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Hindi niya alam kung kailan mawawala ang sakit na ibinigay ng kanyang ama sa kanya. She was eighteen then. She stopped breathing for a moment. Nanikip ang kanyang puso at hindi siya makahinga. She thought she was going to die.

"Till Death Thou As Part"Where stories live. Discover now