Chapter 10

4.2K 54 0
                                    

ILANG araw ang matuling lumipas pagkatapos ihatid sa huling hantungan si Andrei. Ilang araw na ring nagmumukmok si Ampy sa kuwarto niya. Tuwing tinitingnan niya ang mga larawan sa dingding ng kuwarto niya, hindi puwedeng hindi niya maalala ang mga sinabi ni Andrei bago ito tuluyang pumanaw.

"The photos... those were taken in the past, " sabi nito habang nag-aagaw-buhay ito. "And every time I look at them, I feel pain inside. Wala ako sa mga larawang "yon, Ampy. But even then, nagmatigas ako at pinilit kang angkinin kahit alam kong imposible. Dahil alam ko kung sino ang talagang nasa puso mo. Si Sebastien Adrian. Ang lalaking dumating at nagpagaan sa bigat na nararamdaman mo. Siya ang dumamay sa 'yo nang mga panahong'ang pakiramdam mo ay pinag-malapitan ka ng pagkakataon. Inagaw kita sa kanya. Inagawan ko siya ng kaligayahan. Alam ko kung ano ang totoong naramdaman niya para sa 'yo pero nagbulag. mlagan at nagbingi-bingihan ako dahil mahal kita. mahal na mahal kita, Ampy. "

Tuluyan nang namalisbis ang luha sa kanyang mga pisngi habang isa-isa niyang tinitingnan ang mga litrato sa dingding. Pumikit siya at isa-isang binalikan ang masasayang araw na iyon. Ang araw kung saan binura nito ang matinding lungkot sa kanyang puso. Ang . matinding takot. Ang sandaling ipinakita nito sa kanya kung gaano kaganda ang buhay katulad ng makulay na saranggola Ang tagpong hinalikan siya nito sa kanyang mga labi na natatak sa kanyang puso't isip gaano man katagal ang panahong lumipas.

lt was Adrian.

And yes, she loved him.

Pero hindi ito ang tamang panahon para sa kanila. Kahit papaano ay minahal niya rin si Andrei at gusto niyang respetuhin ang alaala nito. Pinahid niya ang kanyang mga luha at sinimulang iempake ang kanyang mga gamit. Sa aktong iyon may kumatok sa pinto.

"Ma'am, nasa ibaba po si Sir Adrian." anunsiyo ng maid nang buksan niya ang pinto.

Tuwa, pananabik at lungkot ang naramdaman niya nang marinig ang pangalan ni Adrian.

"YYOU' RE leaving?" tanong ni Adrian pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan.

Tahimik na tumango si Ampy. Nakaupo sila Adrian sa garden bench at marahil may kalahating ora... na nanatiling walang kibuan hanggang sa marinig niyo ang sinabi nito.

"Why?"

"Do I need to answer that?" tanong niya sa mahinang boses. "I want to forget. Gusto ko ring patingnan si Mommy sa States."

"Y-you wanttoforget." Hindi nakaligtas sapaningin niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. "K-kasama ba ako sa... gusto mong kalimutan. Ampy?"

Hindi kaagad siya nakasagot. Sasagot ba siya ng "00" gayong sa tuwing naaalala niya ang tagpong kasama niya ito ay walang kapantay na saya ang nararamdaman niya sa kanyang puso?

"I-I'm sorry for everything," saad uli nito. "Niloko ka namin ni Andrei. Pinaglaruan namin ang damdamin mo.
'Yon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko."

"You did that because you
loved him," hindi niya napigilang sabi base sa naisip niya at mga sinabi ni Andrei bago ito namatay.

"Because you wanted him to be happy. Nagkamali ako nang sabihin kong ...wala kang nagawa for Andrei. You did something big. And it mattered most to him."

Namintana ang luha sa kanyang mga mata pero nangako siya sa sariling hindi niya iyon Palalaya-in sa harap nito.

, "I know you want to forget everything," halos bulong na sabi nito. "Pero sana, 'wag mong kalilimutan na totoo ang lahat ng sinabi ko sa 'yo noon.

I've never loved anyone else since then." Sinalubong nito nang diretso ang kanyang mga mata at nakita niya ang namumuong luha sa sulok ng mga mata nito. "Don't forget that, Ampy."

"Till Death Thou As Part"Where stories live. Discover now