Chapter 8

3.6K 44 3
                                    

PIGIL ang pagluhang inabot ni Adrian ang litrato ni Ampy, saka pinagmasdan iyon. “Hindi totoong wala akong nagawa para kay Andrei," bulong niya. "Pinilit kong kalimutan ka dahil sa kanya. Hindi ba sapat ‘yon, Ampy? I’ve sacrificed my own happiness just to let him be happy. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Dahil wala akong ibang minahal kundi ikaw. Every time I think of that, gusto kong sabihin ang totoo at bawiin ka sa kanya. Still, I wanted to make him happy. At alam kong masaya ka na rin sa kanya." Tuluyan nang kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata. “You just don’t know kun g gaano ako nasasaktan ngayon habang nakikita kitang nag-aalala for Andrei. It hurts me, Ampy."

Batid niyang malabong matahimik siya. Alam din niyang hindi na siya gugustuhin pang makita ni Ampy dahil siya ang sinisisi nito sa nangyari kay Andrei, pero kailangan siya nito ngayon. Minsan ay nangako siyang maging saranggola ni Ampy. Saranggolang tatangay rito papunta sa langit upang mapagaan ang nararamdaman nito. At kahit nandito si Andrei, alam niyang iyon ang gugustuhin nitong mangyari.

“MAAYOS pa rin naman niyang nagagawa ang trabaho niya, but I don’t think he’ s okay, Doctor Arcangel. Kailangan ni Doctor Coronel ng pahinga but she won’t listen to me. Pinipth niyang kalimutan ang kalagayan ni Doctor Andrei kaya siya pilit nagpapakasubsob sa ' trabaho. Pero parang hindi na tama. She’ s overworked. Masyado niyang pine-pressure ang sarili niya.-"

N agtagis ang mga bagang niya sa balitang iyon ng nurse na si Rose nang hanapin niya si Ampy rito. "Where is she, Rose?” tanong niya sa halos pabulong na boses.

"Bigla na nga lang siyang nawala after the delivery."

Matamlay na nilisan niya ang delivery room pagkatapos niyon. Palabas na siya ng main door ng

OR nang may marinig siyang hikbi mula sa locker room. Mabilis na binuksan, niya ang pinto at nakita niya si Ampy na nakaupo sa sulok at umiiyak. "Ampy," he said. Hindi na yata niya makikita ang ngiti sa mga labi nito.

"What are you doing here?" pormal na tanong nito, sabay pahid ng luha.

“Sinusundo kita," sagot niya. “I think you need to rest. Ihahatid na kita sa inyo."

Namalisbis uli ang mga luha sa mga pisngi nito. “God. I’m missing him so much. I want him back. I need him. I love him so much.” Waring nauupos na kandilang napaupo ito sa couch habang patuloy sa pagluha.

“I know, Ampy. I know." Hindi pa rin siya nakapagpigil na yakapin ito. For the very first time, Ampy didn't protest. Sa balikat niya, pinakawalan nito ang mas masagana pang luha. Naalala niya ang unang _ araw na umiyak ito sa kanya. Ang araw na nangako siyang pagagaanin lahat ng darating na paghihirap dito. Sana lang ay madaling gawin iyon.

NANG gabing iyon, nakita ni Ampy ang kanyang sarili _ sa isang maganda at masayang panaginip. Siya at si Andrei na parang saranggolang lumulutang sa ulap. Ang saya-saya nila Pero ang maikling sayang iyon ay tinapos ng pagmulat ng kanyang mga mata at pagbalik niya sa realidad. Mag-isa lang siyang nakahiga sa kuwartong iyon. Malungkot. Patuloy na naghihintay sa paggising ni Andrei. Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog. Ang malinaw puyat siya kaya nahihilo siya nang bumangon. Bumaba siya ng hagdan na hindi man lang inaayos ang sarili niya. Biglang natigilan siya nang may marinig na banayad na kanta mula sa kusina. Isang masayang himig ang kanyang narinig. Mabilis na tumakbo siya sa kusina at nakita ang lalaking iyon.

Nakasuot ito ng apron, may chef‘ s hat sa ulo. Masaya itong kumakanta habang nagluluto sa harap ng stove. He looked so handsome Isang pamilyar na . tanawin iyon. _

“I love you, baby,” patuloy na kanta nito. “And if it's quite all right, I need you. bahv..."

"Andrei," hindi napigilang sabi niya.

"Till Death Thou As Part"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon